"Are you okay, baby?" tanong ni Lucas nang makalapit sa akin. Kaming dalawa na lang ang nandito ngayon sa conference room. I smiled at him and nodded. "Yup. Of course." sagot ko pero hindi nagbago at seryosong ekspresyon ng mukha niya. "What?" taka kong tanong. Hinawakan niya ang panga ko at natuod ako nang dumampi ang mga labi niya sa labi ko. "Stop pretending. I know you're not okay." bigla niyang saad kaya napawi ang ngiti ko. Inirapan ko siya at ipinulupot na lang ang mga kamay sa kaniyang braso. "Let's just go, Lucas. Marami pa tayong gagawin sa araw na to." ani ko at naglakad kami papalabas ng conference room. "Madam, I'm afraid hindi ka pwedeng umalis ng kompanya ngayong araw. " biglang saad ni Max sabay lapag ng madaming folders sa mesa ko pagkarating namin sa opisina.

