"Shit." Napamura ako dahil naiihi na ako. Kaso mahimbing pa ding natutulog si Lucas. I don't wanna wake him up kasi halatang pagod siya at masarap ang tulog. Naghintay na muna ako ng ilang minuto baka sakaling magising siya pero halos pumutok na pantog ko ay tulog pa din siya. "Damn it! Diko na kaya." daing ko at mahinang niyugyog ang balikat ng asawa ko. "Hon.." tawag ko sa kaniya pero ayaw niyang magising. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha at napabuntong hininga. "Fine!" asik ko at dahan dahang ibinaba ang mga paa sa sahig. Naiihi na talaga ako. Feeling ko anytime lalabas na ang ihi ko eh. My gosh! Kagat labi kong pinilit na tumayo pero halos mapaiyak nang sumigid ang kirot sa pagitan ng mga hita. I didn't budge. Tiniis ko iyon at dahan dahang naglakad papuntang banyo kah

