Hindi kami nagtagal sa kasiyahan dahil kinakailangan naming lahat ng beauty rest kaya agad akong hinatid nila mommy at tita Louise sa mismong kwarto ko. Hindi na nakasama si Mara dahil sumasakit daw ang balakang niya kaya ang dalawang mommy ko ang naghatid sa akin. "Sleep tight, anak.." Marahang wika ni mommy nang makarating kami sa harap ng kwarto ko. Malapad akong ngumiti at tumango. "Good night, hija.. Good night sa apo namin..." wika naman ni tita Louise kaya napatingin kaming tatlo sa aking flat pang tiyan. "Good night din my two mommies.. soon to be a grandma." natatawa kong sambit sabay halik sa pisngi nilang dalawa. Hinintay pa nila akong nakapasok ng tuluyan sa kwarto ko bago sila umalis. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig sa kama ko. It feels so empty wi

