Lucas’ POV
Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong gawin, babygirl.
Napangisi ako pagkalabas niya ng opisina ko. Damn! Muntik ko nang di mapigilan ang sarili ko kanina. Sobrang lapit niya. Ang bango bango pa. f**k!
Pinindot ko ang intercom na konektado sa sekretarya ko.
“Andrew, escort my baby outside of the building. Wag kang magpapahalata.” utos ko sa kaniya. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Andrew kaya natawa ako.
“Ewan ko na lang talaga sayo, boss. Tinanggap mo na lang sana ang alok niya.” Rinig kong saad niya bago ko ini off ang intercom.
No. I know her. She easily gets bored kapag nabibigay agad ang gusto niya. She likes the thrill and I am liking it too so I’m giving her the thrill.
I smirked at hindi mapigilan ang excitement na umusbong sa aking katawan.
Ganadong ganado na akong nagpatuloy sa pagtatrabaho. I am managing my own company already after years of being a governor in our town. Hindi naging madali iyon but ofcourse, I handled it so well.
Ako na to eh!
“Boss, she already left.” balita ni Andrew sa akin kaya napatango tango ako at muli na namang napangiti nang maalala ang pagpunta niya dito sa opisina ko.
Ang ganda niya talaga kahit galit. Hayss.
“Para kang tanga na baliw, boss.” saad ng sekretarya ko. Imbes na magalit ay natawa lang ako sa sinabi niya.
“Atleast gwapo.” sambit ko. Napailing iling siya bago muling nagsalita.
“Nasa baba na pala si Mr. Florendo. Gusto mo bang salubungin?” pahayag niya. Tumaas ang kilay ko at mabilis na tumayo sa upuan.
“Tara.” anyaya ko sa kaniya at naunang lumabas ng opisina. Saktong paglabas ko ay ang pagbukas ng elevator at lumabas doon si Mr. Florendo.
He’s one of the major investor ng Del Fierro food corporation. Yes, dinekwat ko siya at kinuntsaba para mag pull off sa investment sa kompanya ng babygirl ko.
In short, ako ang dahilan kung bakit naiistress ang babygirl ko ngayon. Pero okay lang yun, hindi ko namang hahayaang ma banckrupt iyon ng tuluyan. I am just shaking her para ako ang takbuhan niya. Tama na iyong dalawang taong pagiging independent woman niya.
“Welcome, Mr. Florendo.” pahayag ko sa bisita.
“Good to see you, Mr. Gutierrez.” Bati niya din. Agad ko siyang iginiya papasok sa loob ng opisina ko para maasikaso na agad ang pag tatransfer ng shares niya sa pangalan ko.
Inuto uto ko lang ang matanda kaya mabilis siyang pumayag. Tsaka hindi naman siya lugi kasi malaking halaga ang pagkakabili ko sa shares niya. Sadyang kailangan ko lang talagang igalaw ang baso dahil ang mommy ko ay hinahanapan na ako ng apo.
“Thank you so much, Mr. Florendo. It’s a pleasure doing business with you.” pahayag ko at nakipagkamay sa kaniya pagkatapos niyang permahan ang kontrata.
“Likewise, Mr. Gutierrez.” Tugon niya. Hindi din naman siya nagtagal sa opisina ko kaya hinatid ko siya hanggang sa baba ng building.
Napatigil ako nang may napansing kakaiba sa lobby ng building ko.
Hmm.. some unfamiliar and mysterious faces..
Ano kayang pinaplano ng babygirl ko? Plano niya bang pamanmanan ang bawat galaw ko?
Lihim akong napangisi at naupo sa recieving area.
“Boss anong ginagawa mo?” Kunot noong tanong ni Andrew. Nagbuklat ako ng magazine at tiningala siya.
“Dalhan mo ako ng kape dito. Gusto kong dito magkape.” seryoso kong utos sa kaniya.
“Baliw na nga talaga.” rinig ko pang bulong niya bago tumalikod. Pasimple kong tiningnan ang isang lalaki na naglalakad papalapit sa akin. Umupo siya sa aking tabi. Hindi lumagpas sa mga mata ko ang tanguan nila ng lalaking nasa pintuan.
Napangiti ako dahil mukhang magrereport na ang lalaking iyon dahil lumabas siya ng building.
Confirmed. Pinapamanmanan nga yata ako ng babygirl ko. Pwes, hindi ko na papahirapan pa ang mga inutusan niya.
“Maganda yan diyan.” biglang saad ng lalaking katabi ko. Napatingin ako sa kaniya. Itinuro niya ang nasa magazine na hawak ko.
“Nakapunta na ako diyan. Maganda.” saad niya at umayos pa ng upo. Pinigilan kong ngumisi nang maramdamang nasagi ng kamay niya ang gilid ng coat ko.
Ayos ah! Nakita ko iyon! Nilagyan niya ako ng tracker!
“Ahh mukha nga.” saad ko na lang sa kaniya. Bigla siyang tumayo at inayos ang kaniyang suot. Sumenyas sa akin kaya tinanguan ko siya na parang tropa na kami.
Pagkatalikod niya at mahina akong natawa.
Oh god.. babygirl I’m liking this…
Tumayo na ako at dinala ang magazine. Nakasalubong ko pa si Andrew na may dalang kape.
“Sa taas na lang pala.” Ngiti ngiti ko pang saad. Sabay kaming bumalik sa taas at nagpatuloy ako sa pagtatrabaho.
“Hey mom. Miss me?” nakangiti kong bati kay mommy nang masagot ko ang tawag niya. It’s already lunch break at hinihintay ko na lang ang pagkain ko.
“Come over. Nandito kami sa Deluxe maglalunch. Hinahanap ka ng mga apo ko.” pahayag ni mommy kaya natawa ako.
“May trabaho pa ako, mommy.” Dahilan ko.
“Puro ka trabaho, Lucas! Ano bang pinag iipunan mo ha? Eh hanggang ngayon ay wala ka paring girlfriend! Wake up, hijo. Lagpas trenta kana! Kelan ka ba mag sesettle down?”
Napanguso na lang ako nang magsimula na namang maglitanya ang mommy ko.
“Kumikilos na nga mommy eh. I’m on my way. Stop nagging me please? Basta promise, hindi ako mamatay na di ka nabibigyan ng apo. Relax, mom. Gumagawa na ako ng paraan.” natatawa kong saad habang papalabas ng opisina. Sinenyasan ko si Andrew na itabi na lang muna ang pagkain dahil lalabas ako.
“Argh! Ewan ko na lang talaga sayo! Makakatatlo na ang kuya mo tapos ikaw wala pa kahit girlfriend!” sermon ni mommy.
“Iniistress mo lang ang sarili mo sa lovelife ko, mom. Independent woman kasi ang baby ko kaya binibigyan ko muna ng space.” saad ko.
Hanggang sa makarating akonsa deluxe restaurant ay katawagan ko parin si mommy.
“Welcome to deluxe sir, how may I help you?” Salubong sa akin ng isang babae.
“Gutierrez’s reservation, miss,” Saad ko. Agad niya akong iginiya papunta sa isang room. Pinatay ko na ang tawag ni mommy nang makarating ako sa harap ng room kung nasaan sila. Sumilip muna ako at napangiti nang makita ang mga pamangkin ko.
“Hello people!” masigla kong bati pagkapasok.
“Tito handsome!” bati ng prinsesa naming lahat na si Blaire. Yep, kapangalan niya ang doctor na nagpa anak kay Mara.
“Hello, baby.” bati ko sa kaniya at agad siyang hinalikan sa pisngi. Almost 5 years old na siya at sobrang cute pa!
“Hi, tito L.” bati naman ni Ambrose na nagbibinata na. Napangiti ako at nakipag fist bump sa kaniya. Nagmano din ako kay daddy at humalik sa pisngi ni mommy na masama ang tingin sa akin.
“Oh, nasaan ang mag asawa?” tanong ko nang wala sina Logan at Mara.
“May sarili silang date, tito. May surprise si daddy kay mommy.” sagot ni Ambrose kaya naupo na lang ako sa bakanteng upuan.
Agad na isinerve ang pagkain at masaya kaming nag lunch. Pagkatapos ng lunch namin ay nag excuse akong lalabas muna dahil tumatawag si Andrew.
“Yes?” sagot ko.
“Ipapaalala ko lang ang meeting boss. Pangatlong beses mo ng kinancel iyon kaya—“
“Oh gawin ko ng apat ngayon hehe” putol ko sa sinasabi niya nang makita ang pagpasok ng babygirl ko sa loob ng restaurant.
Shit! She’s here! Kung sinuswerte nga naman ako! Pero napawi ang ngiti ko nang makitang may nakasunod sa kaniyang lalaki. Mukhang dito silang dalawa kakain.
Anak ng!
Kailangan ko na talagang bilisan ang pagkilos. Hindi pwedeng may umaaligid sa babygirl ko.