LUCAS' POV Halos hindi ko na bitawan ang asawa ko. Baka kasi bigla na naman siyang hiramin nila mommy ay matagal pa bago ko siya makita tsk. Alam ko namang sobrang OA at clingy ko ngayon pero ewan ko ba. Hindi ko naman mapigilan. Parang kulang ako kapag hindi ko nakikita ang asawa ko. Nagsimula ito noong kinidnap siya ng lolo niya at nung Zariyah na yun. Nung nabawi ko siya halos sa lahat ng gagawin niya ay nakikita ko siya. Mukhang na trauma din yata ako. "Lucas para kang tuko kung makakapit. Ayos kalang ba?" natatawang bulong sa akin ng asawa ko. "Yup, baby girl. Namiss lang talaga kita." sagot ko naman at hinalikan ang leeg niya. Ang bango niya talaga. Kahit pawisan siya ay sobrang bango padin talaga! "Punta tayo sa kwarto baby girl, please.." Pakiusap ko sa kaniya. Napangit

