AZALEA's POV Habang nasa office ay hindi ko namalayan ang oras. Ganito talaga ako palagi eh kapag lunod na lunod sa dami ng trabaho. Nagulat na lamang ako nang may kumatok sa pintuan ng opisina ko at pumasok ang gwapong gawapo kong asawa. "Hon? Oh my! Baby Blaire!" taka kong usal at mabilis na napangiti nang makitang kasama niya si Blaire. Napatayo ako sa upuan at sinalubong sila. "Wow! Your office is so lawak po tita pretty! Manghang bulalas ni Blaire at nagtatakbo takbo agad sa loob ng opisina ko. "What's that, hon?" tanong ko kay Lucas at itinuro ang hawak hawak niya. "Lunch, baby girl. Ipinagluto kita. Kami lang kasi ni Blaire ang nasa bahay eh, may mga lakad silang lahat kaya nagluto na lang kami at nag bake din ng cookies." pahayag ng asawa ko at inilapag ang dala sa mini

