┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Nandito na pala ang mga apo ko. Sa video ko lang kayo nakikita, pero heto kayo ngayon sa harapan ko." Naiiyak na sabi ng ina ni Ynah. Si Arquiz naman ay tahimik lang, nakatingin lang sa kanila at magkahawak kamay lang sila ng kanyang kasintahan. Nakikiramdam lang siya sa mga magulang ni Ynah. Iniisip niya kung may galit ba ang mga ito sa kanya. Napatingin din siya kay Christian na nakaupo sa sofa, nakatingin sa kanyang mga anak. "Maupo kayo dito. Siguradong pagod kayo." Sabi ng ama ni Ynah. Ngumiti naman agad si Ynah, pagkatapos ay nilingon niya ang kanyang nobyo. "Mom, dad... gusto ko munang ipakilala sa inyo ang aking nobyo. Si Arquiz Montefalcon... ang ama ng aking kambal na anak. Siya 'yung tinutukoy namin sa inyo ni Vinz. Kilalang-kilala siya ni Kuya Ian." Wika ni

