┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Isang private plane ang sinakyan nila Ynah na pag-aari ng ama ni Rahiyah na si Jamil Al Tawili. Patungo sila ngayon ng Surigao Del Norte, sa bayan ng Tubod upang duon muna sila tumira sa malaking farm na pag-aari ng ama ni Rahiyah. Ilang oras pa ang lumipas ay tuluyan na silang nakarating ng bayan ng Tubod sakay ng mamahaling sasakyan, at sa likuran nila ay sunod-sunod na sasakyan din ang dumating, sakay ang mga tauhan ni Rahiyah. Pagbukas ng malaki at mataas na gate ay pumasok na isa-isa ang mga sasakyan. Pagkatapos ay pumarada ito sa tapat ng isang malaking bahay pahingahan ng mga Al Tawili. "Ang ganda dito, parang ang tahimik ng paligid, malayong-malayo sa magulong Manila. Mukhang mag-e-enjoy tayo dito Ynah, saka tignan mo sa gawi duon, may mga taong busy sa mga gina

