◄Arquiz's POV► Kakauwi ko lang ng Manila matapos ang tatlong araw na naging misyon namin duon nila Calix at Jessica. Tahimik lang akong nakatingin sa kisame habang nakahiga sa kama, pero ang utak ko naman ay gising na gising pa rin at tila ba hindi naman ako nakakaramdam ng pagod. Ang dami ko talagang iniisip. Ang dami kong gustong takasan, pero alam ko sa sarili ko na hindi ko na lang pwedeng takasan ang lahat. Hindi na ako pwedeng umiwas pa sa mga taong nais linawin ang lahat kung ano man 'yon. Hindi habang-buhay ay iiwas na lang ako sa kanila. Kailangan ko na silang harapin para matapos na ang lahat ng paghihirap ng puso ko. Baka ito lang talaga ang hinihintay ko. Ang tuluyang maipamukha sa akin na wala na kami, na tapos na kami at masaya na sila ni Vinz kasama ang kanilang mga anak.

