┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Mahigit na isang taon pa ang lumipas, malaki na ang ipinagbago ni Arquiz. Pero hindi naman siya tumitigil sa paghahanap kay Ynah. Nagtataka siya kung bakit hindi nila ito nahahanap, pero alam niya na darating ang isang araw na muli silang maghaharap ni Ynah. Hindi man ito naging masayahin na, pero hindi na ito nagpapakalugmok sa kalungkutan. Hindi na rin ito masyadong umiinom, at hindi rin ito tumitingin sa kahit na sinong babae. Kung minsan ay binibiro siya ni Marcus na maghanap ng babae at tutulungan nila ito, pero tinatawanan lang sila ni Arquiz. Alam din naman ni Arquiz na nagbibiro lang ang mga kaibigan niya. Minsan ay natatawa na lang siya sa mga ito. And yeah... he laughs, he moves on, but deep down... the cracks never really healed at umaasa pa rin siya na muling m

