┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Pagkatapos mamasyal nila Ynah at Aja ay kumain sila ng hapunan. Bumili si Ynah ng iuuwi niyang pagkain para kapag dumating na mamaya si Arquiz ay may kakainin ito. Nakangiti lang si Ynah. Masaya lang siya dahil ang lalaking tanging ipinagsisigawan ng kanyang puso ay darating para lang makasama siya. "Sa tingin mo ba unti-unti ng nahuhulog sa akin si Arquiz? kasi hindi naman siya mag-effort na magpunta dito sa Japan kung wala lang, hindi ba?" Napatingin sa kanya si Aja. Hindi naman ito sumagot. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa kanyang kaibigan. Ayaw niyang magkamali, ayaw niyang paasahin ang kanyang kaibigan. "Nang malaman niya na may misyon tayo dito, agad niyang sinabi na darating siya. Hindi naman siguro siya mag-aaksaya ng oras niya sa akin kung hindi

