❀⊱Ynah-s POV⊰❀ Kanina pa tunog ng tunog ang phone ko, pero hindi ko ito sinasagot. I needed someone to talk to, pero ang mga kaibigan ko... lahat sila ay busy na ulit sa mga trabaho nila at ayoko naman silang istorbohin ulit at puntahan sa mga bahay nila katulad ng huli kong ginawa. Muling tumunog ang phone ko, at nang makita ko na pangalan naman ngayon ni Anne ang lumabas sa screen ko ay mabilis ko itong sinagot. "Ynantot, busy ka ba ngayon? Kung hindi ka busy, pwede mo ba akong samahan sa Laguna? May kailangan kasi akong asikasuhin." Bungad agad ng kaibigan ko. Nagulat naman ako, pero natuwa din dahil kahit na papaano ay makakaalis ako dito sa bahay ng aking mga magulang. Nandito kasi ako ngayon sa kanila. Kapag gusto kong mapag-isa na walang gumagambala sa akin ay dito ako nagpupun

