❀⊱Ynah's POV⊰❀
It wasn’t easy… not at all. Mahal na mahal ko si Arquiz, truly, and that’s what makes it hurt even more, kasi alam ko na walang kahahantungan ang ginagawa namin, at alam na alam ko na wala akong puwang sa puso niya. Masakit para sa akin knowing that everything between us was never real for him, that it was all just a game... a game of desire... a game of lust, and that tears me apart. I was foolish to believe otherwise, to think na baka sakali na I meant something more, at baka sakali na pumasok na ako sa puso niya, pero hindi ko alam, malayo ang iniisip ko sa mga sinasabi niya sa akin.
And the worst part? Alam ko kung ano ang kahahantungan nito sa huli. No matter how much I try to hold on, no matter how much I wish things were different, I will be the one left broken. I will be the one who loses, pero bakit hindi ko magawang bumitaw? Bakit iniisip ko pa rin at umaasa ako na baka isang araw ay magising na lamang siya na ang pangalan ko na ang nasa puso niya?
I know na minsan niyang minahal si Diana, alam ko na ang asawa ni Nato ang tanging laman ng puso niya nuon... at maaaring hanggang ngayon ay itinatago pa rin niya ito sa puso niya. I don't know, hindi ko na alam ang iisipin ko. I don’t know what hurts more... ang realization na hindi niya ako kayang mahalin, o ang katotohanang hindi niya kayang kalimutan ang babaeng minsan niyang inibig.
Napatingin ako sa bintana, hinayaang lamunin ako ng katahimikan ng gabing ito. Ang tanging naririnig ko lang ay ang marahang paghinga ko at ang mumunting ingay ng mga kuliglig sa labas ng bukas na bintana. I hate this. I hate feeling this way... weak, vulnerable, desperate for a love I can never have. Ang tanga ko talaga. Bakit ang hina ko pagdating sa'yo, Arquiz? Bakit ganito? Kahit na alam ko na nasasaktan ako, bakit ipinipilit ko pa rin? I never thought na mahuhulog ako sa'yo ng ganito, pero heto at ibinigay ko na sa'yo ang lahat, at umaasa pa na kaya mo rin akong mahalin, katulad kung paano kita minamahal ngayon.
"What's going on?"
Si Orion. His deep voice pulled me back to reality kaya bigla akong napatingin sa kanya. Nandito ako sa hideout mansion niya. Gusto ko lang muna kasing mapag-isa, malayo kay Arquiz. Oh well, para sa akin ay malayo ang hideout na ito kay Arquiz, kasi hindi siya pumupunta rito, at walang dahilan upang pumunta siya rito. Kaya nga kapag gusto kong makawala muna sa kanya ay dito ako naglalagi, kasi nga alam ko na hindi niya magagawang pumunta rito. Maging ang phone ko ay kanina pa tumutunog, pero hindi ko ito sinasagot. Nag-mute na lang ako upang hindi ito marinig nila Orion.
Tumabi siya sa akin sa malapad na leather couch sa loob ng pribadong lounge ng hideout. He had a cigarette between his fingers, casually taking a drag before exhaling the smoke into the dimly lit room.
"Problem?" Tanong niya habang nakatingin sa akin, his sharp eyes assessing me. Natawa lang ako at ibinaling ko na ang tingin ko sa ibang direksyon.
I let out a deep sigh, flashed a faint smile, took the cigarette from his hand na ikinagulat niya at saka ko ito hinitit ng ilang sunod. Nagulat talaga siya, alam kasi ng lahat na hindi naman ako naninigarilyo, pero heto at nang-aagaw pa ako ng sigarilyo ng may sigarilyo.
"Well, I guess may problema ka nga. Lalaki ba?"
Natawa ako sa tanong ni Orion. Kapag ba talaga ang isang babae ay natahimik at gustong mapag-isa, lalake na ba talaga agad ang problema? Perhaps, may ibang dahilan pa ba? Pero parang wala akong lakas para ipaliwanag sa kanya ang lahat, at hindi ko rin alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya na lalaki nga ang problema ko. Muli akong tumawa, pero mahina lang at halos hindi nga niya ito napansin.
"Sinasabi ko na nga ba." He muttered, leaning back against the couch while watching me closely. Ewan ko ba, sa way ng pagtitig niya sa akin, parang alam niya kung sino ang problema ko.
"Let me guess, si Arquiz?" Nagulat ako sa tanong niya, at tama nga ako sa iniisip ko. Bakit si Arquiz agad ang nasa utak niya? Hindi ba pwedeng ibang lalaki ang nasa isip ko? Ganuon na ba ako ka-transparent pagdating sa damdamin ko para kay Arquiz? I thought I did everything para hindi makita ng lahat o mapansin ang tungkol sa amin ni Arquiz?
Hindi ako sumagot. Tumawa lang ako nang mahina, pero kahit na tumawa ako, parang nanggaling lang sa malalim na balon ang boses ko, 'yung parang walang laman at kay lalim nito. I puffed another drag of the cigarette before handing it back to him. Pagkatapos ay unti-unti kong ibinubuga ang usok nito habang nakatitig ako sa bukas na bintana.
"Masyado bang obvious?" Tanong ko, natawa akong muli. Tinanggap niya ang kanyang sigarilyo at hinitit niya ito. Nakatitig pa rin ako sa bintanang bukas, humugot ng malalim na paghinga at saka ako napailing-iling.
Nagkibit-balikat naman siya na para bang 'okay, kung ayaw mong magsalita, nasa sa iyo na 'yan.' Parang ganuon ang tumatakbo sa utak niya. Tumingin siya sa akin, pagkatapos ay tumawa ng mahina at saka hinitit ang sigarilyo niya. Pumasok si Mikael sa silid, kasama niya si Aja, Harvey at si Greg. Napatingin sila sa amin, nagtataka lalo na sa akin. Sumenyas naman si Orion kay Mikael at sa dalawang kasama nito ng may kahulugan, kaya lumabas naman agad ang mga ito. Alam ko na nagtataka si Aja, pero alam ko rin na alam na alam niya kung bakit ako nandito.
"Kaya ka nandito dahil sa kanya, hindi ba? Alam mo Ynah, kapag gusto mong iwasan ang isang bagay, o ang isang tao, palagi kayong nagpupunta dito. Hindi lang ikaw ang laging nagpupunta dito, kaya alam ko na may problema ka. So si Arquiz nga? Ang virgin playboy ng Venum?" Natawa ako. Muli akong humugot ng malalim na paghinga at saka ako tumingin kay Orion.
Natahimik akong bigla at kahit nakatingin ako sa kanya, puno ng samo't sari ang isipan ko. Mga katanungang wala akong alam na tamang kasagutan.
Hanggang kailan nga ba? Hanggang kailan ko ipagpipilitan ang isang bagay na alam kong wala namang kasiguraduhan? Hanggang kailan ko mamahalin ang isang taong hindi man lang ako kayang mahalin?
"You deserve better, Ynah. Kung ako sa'yo, tumanggap ka ng mga manliligaw mo. Magaling kang assassin, matapang at higit sa lahat ay matalino. Huwag mong sayangin ang oras at panahon mo sa isang tao na hindi ka kayang panindigan." Sabi niya after a moment, his voice softer this time, pero gayunpaman ay kay talim ng mga binitawan niyang salita, sumasaksak sa puso ko ang bawat katagang binitawan niya.
"Bakit mo hinahayaan ang sarili mong masaktan ng ganyan?" Tanong niya. Napalunok ako ng laway, pilit na itinatago ang namumuong luha sa mga mata ko. Dapat ko na bang aminin sa kanya ang tunay kong nararamdaman para kay Arquiz? I sighed, pagkatapos ay napayuko ako at wala sa loob ko na sumagot ako sa kanya.
"Kasi mahal ko siya." Nabigla ako. Hindi ko dapat sinabi sa kanya.
"At anong mapapala mo sa pagmamahal na ‘yan? Mahal ka ba niya?"
Napatingin ako sa kanya. His gaze was steady, serious. Matagal ko nang kilala si Orion at mabuti siyang pinuno, huwag lamang siyang gagalitin, and I knew he meant well. He was always the logical one, the practical one. Pero paano ko ipapaliwanag ang bagay na hindi niya maiintindihan? Love isn’t logical. Love isn’t practical. Love is pain, and yet, here I am, still chasing after it. Nakakatawa, hindi ba? Nagpapakatanga ako sa isang lalaki na wala akong kasiguruhan kung kaya nga ba niya akong mahalin.
"Hindi ko alam Orion. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa'yo. Pero alam mo ba, kahit na alam ko na baka wala akong mapapala sa sitwasyon ko. Hindi ko pa rin kayang bumitaw. Kasi umaasa ako na baka sakali na kaya niyang tumbasan ng pagmamahal ang pagmamahal ko, na kahit isang pagkakataon lang ay bigyan ang sarili namin na patunayan na kaya naming alagaan ang isa't isa at kaya naming mahalin ang isa't isa, at gusto kong maramdaman na ako aalagaan niya ako. Malay mo naman mangyari 'yon, hindi ba?" Orion sighed heavily. Ramdam ko ang disappointment niya sa isang assassin na katulad ko. Dapat matapang ako, dapat ipakita ko sa kanya na hindi ako kayang buwagin ng pag-ibig, pero heto at nagpapakita ako ng kahinaan. Totoo nga ang sinabi nila na kapag pag-ibig na ang pumasok sa puso mo, kahit na gaano ka katapang at katatag, kaya ka nitong buwagin at gawing mahina.
"And what if that never happens?" Natawa ako sa isinagot niya. Napayuko at napailing ng ulo ko. Napapikit ako sandali, pilit nilalabanan ang sakit na bumabalot sa puso ko. Paano nga ba? Ano nga ba ang gagawin ko kung hindi mangyari ang nais ko?
Nag-angat ako ng mukha, tumitig sa malaking bukas na bintana at saka ako muling humugot ng malalim na paghinga bago ako sumagot sa masakit na tanong niya.
"Then I guess… I will be the one left broken. And I will be the one who loses."
Tumahimik siya saglit, bago marahang inabot ang kamay ko. Hindi siya nagsalita, pero sapat na ang ginawa niyang iyon para maramdaman kong hindi ako nag-iisa. Maybe Orion was right. Maybe I deserved better. Maybe it was time to stop waiting for something that would never happen.
But the question remained... kaya ko bang bumitaw? Kaya ko bang lumayo at kalimutan si Arquiz? Ang pwede kong isagot? Hindi ko kaya, kasi tanga ako... kasi umaasa pa rin ako na baka sakaling may pagmamahal na siya para sa akin, kahit na katiting lang sana para ang katiting na 'yon... pagyayamanin ko hanggang sa ako na ang umookupa ng kanyang puso.
"Pwede ba na walang makakaalam ng mga pinag-usapan natin dito? Ayokong malaman ng mga kaibigan natin na nagpapakatanga ako, lalo na ng kapatid mo at ni Aja. Please Orion, kung pwede sana ay sa atin na lamang ito. Alam ko naman na may alam na si Aja, pero itinatanggi ko ito sa kanya, pero kahit na anong tanggi ko, alam ko na hindi niya ako pinapaniwalaan."
"Don't worry, Ynah. Your secret is safe with me." Wika niya. Ngumiti ito at tinapik niya ako sa balikat, pagkatapos ay tumayo na ito at saka nagsimulang maglakad palabas ng lounge.
"Nakahain na, halika na at sumabay ka na sa aming kumain. I guess, dito ka matutulog ngayong gabi dahil may tinatakasan ka. Parating na rin naman si Jhovel, kayo na ang bahala dito dahil may lakad pa ako. Makikipagkita ako kay Marcus." Sabi niya. Tumango lang ako at tumayo na rin ako at naglakad palabas ng lounge. Ngayon ako nakakaramdam ng gutom. Hindi pa kasi ako kumakain mula pa kanina.