Nandito kami ngayon sa headquarters, nakaupo lang ako habang kumakain ng chocolate. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang nangyari noong nakaraang araw. Ang astig talaga niya, pero ang brutal niya. Napatingala naman ako nang puwesto sa tapat ko si Lay. "What?" takang tanong ko. "Kunin mo kaya ang laptop mo, at i-hack mo ang system niya." "Paano ko naman gagawin 'yon?" bahala siya, gusto ko mag-relax ngayon. "G*go ka ba? Ikaw kaya ang magaling d'yan! Bilis na, ililibre kita nang maraming Chocolate. Promise!" aniya at nagtaas pa ng kamay. Pumintig naman ang tenga ko sa sinabi nito. "Sabi mo 'yan ha!" ani ko at kinuha ang laptop, my gosh. Chocolate talaga ang kahinaan ko, mabuti at hindi nalalaman nang mga kaaway namin ang kahinaan ko eh. Nag-umpisa na akong magtipa sa aking laptop. I

