Nanonood ako sa isang sulok, habang nakikipaglaban ang grupo ni Shadow. Napadaan lang ako rito, sakto at may nagaganap pa lang laban kaya naman nanood na lang ako. Mukha kase exciting ang laban na ito. Lumipas ang halos isang oras, bumagsak na ang dalawa sa grupo nila Shadow. Med'yo naboboring na ako sa pinapanood ko, 'yan lang ba talaga kaya nila? Sa palagay ko walang balak na buhayin ang grupo ni Shadow nang mga kalaban nila. Habang nanonood pa rin napapangiwi na lang ako. Mas'yadong madaya ang kalaban nila, mga madudumi kung maglaro. Nakakadiri sila, akala naman nila masaya ang mandaya. Natutup ako sa aking panonood nang makita kong bumagsak na si Ice pati na rin si Shadow, tinutukan pa ito ng baril. Nanood lang ako, ano 'ng gagawin nila ngayon? Wala na akong nagawa, kun 'di tulungan si

