CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA “Sino kaya ang mga ‘yan? Wala silang takot na may maka kita sa kanila?” Tanong ni Charles pero si Steve naman ay nanatili lang itong naka tulala. “Steve may problema ka ba?” Tanong ko dito at binaliwala ko na ang sinasabi ni Charles. Umiling lang ito at tumayo. “Uuwi muna ako, gusto ko muna matulog..” paalam nito at walang lingon lingon itong umalis ng mansion. “Ako lang ba o sadyang wala ito sa mood?” Tanong ni Charles. “Napansin ko din na parang ang tahimik niya palagi..” sagot ko. “Baka pagod lang yan..” sagot nito, tumango na lang ako at hindi na ito kinibo pa. STEVE MORGAN Habang naglalakad ako patungo sa pinto ng bahay ko may nag salita sa ilalim ng puno. “Sabi ko sayo, umakto ka ng normal. Hindi mo rin kailangan mag alala sa nakaka bata mong ka

