AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA BAGO MAG UMPISA ANG GABI biglang may nag flash na news sa tv sa aking dressing room. Napa tigil ako sa pag ipit ng buhok ko ng makita kong nasusunog ang condominium kung saan ako nakatira. Patayo na ako ng mag ring ang cellphone ko, agad kong sinagot ito. “Bryant! Ang bahay ko at gamit ko?!” Nag alala kong tanong. “Nakuha na namin ang gamit mo mas lalo ang sniper mo. Huwag kana mag aalala at kami na rin bahala doon..” mahinahon nitong sagot. Nakahiga na ako ng maluwag ng marinig ko yun, “Salamat babawi talaga ako..” pasasalamat ko dito at binaba ko na ang tawag ko dito. Umayos ako ng upo ulit at inipit ko na ang buhok ko, huminga ako ng malalim at umiling. “Huwag ka muna mag isip ng hindi maganda ngayon, kailangan ka ni Chef Bong..” pagkausap ko sa sari

