CHAPTER FOURTEEN THIRD PERSON POV Marahan kong hinawakan ang aking kwintas na nasa aking leeg.. iniikot ikot ko sa aking daliri ang singsing na nandoon na nagsisilbing palawit doon.. Biglang pumasok sa aking isipan ang lalaking buong buhay kong pinagkatiwalaan, ang lalaking naging sandalan ko noon sa tuwing ako'y nasasaktan.. nadadapa at nalulunod sa aking sariling problema.. Kumusta na kaya siya ngayon? Ano na kayang ginagawa niya? Galit kaya siya sa akin dahil sa aking ginawa? Mapapatawad niya kaya ako kung sakaling magpakita ako sa kanya? Ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya.. Alam kong unfair ang aking ginawa.. ang aking hiniling pero ng mga time na yun siya lang... siya lang ang tanging solusyon ko sa aking problema.. Ayokong magpakasal sa lalaking hindi ko kilala.. ayokong magpak

