[DANI POV]
" Try me."
Challenge.. I really like challenge.. siguro dahil lumaki akong walang sinasandalan, kundi ang sarili ko.. Kung susumahin at ilalarawan ko ang buong buhay ko daig ko pa ang mga nagpapadala ng sulat kay Ate Charo sa Maalaala mo kaya.. I am a product of a secret affair, UNWANTED pregnancy.. yeah.. anak ako sa labas, kilala at makapangyarihang tao ang tatay ko na nabola at nabilog ang ulo ng nanay ko.. at ang naging resulta ay AKO.. I never got a chance to know him... tanging litrato lang sa dyaryo at balita ko lang siya nakikita.. he's a senator.. Senator Lucio Ortega. Hindi ko alam kung anong nangyari kung alam niyang nag eexist ako sa mundo dahil ng maghiwalay sila ng nanay ko... yun yung time na nalaman ng nanay ko na buntis siya sa akin. At that time, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na masabi ang katotohanan dahil ayaw na rin niya ng eskandalo.. Namatay ang nanay ko sa panganganak sa akin.. kaya hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makasama at maalagaan niya.. Mabuti na lamang at may nagmagandang loob na kumupkop sa akin.. ang matalik na kaibigan ng nanay ko yun ay ang anak ni Nanay Lucing.. na si Mama Lilly, ang nakagisnan kong ina... hindi ito nakapag asawa. She gave me everything and anything I want, pinag aral niya ako, binihisan at itinuring na anak kaya ng mamatay siya.. pakiramdam ko wala na akong makakapitan... and then yun yung time na nakilala at nakasama ko si Sera.. ang prinsesang nagtatago sa kanyang asawa.. Funny but the first time we've met pakiramdam ko nakahanap ako ng kapatid at kaibigan sa pagkatao niya, kaya ipinangako ko sa sarili ko kahit anong mangyari sa kanya, kung kailangan niya ang tulong ko... gagawin ko ang lahat para ipagtanggol at damayan siya...
Gaya na lang ngayon... at naiinis ako sa lalaking nasa harapan ko... prenteng prente siyang nakasandal sa hamba ng pintuan... shemay na malagkit kahit gwapo siya kung sila ang magiging dahilan ng mga luha ni Sera.. hindi ko sila mapapatawad.. para saan pa ang mga natutuhan ko sa mga kaibigan kong lalaki kung hindi ko magagamit sa lalaking ito.. Kaya kahit nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na atraksyon sa pagitan naming dalawa.. nilapitan ko siya... at habang ginagawa ko yun kitang kita ko rin ang paglunok niya ng ilang beses.. ang paghagod ng mga mata niya sa kabuuan ko na pakiramdam ko tuloy namumula na ang magkabilang pisngi ko... his deep green eyes that was looking at me like he can see my soul... ano ba ang nangyayari?
" Wala kang karapatan na utus utusan ako Gael, hindi ako aso, tao ako at isa pa wala ka sa teritoryo mo!!! wala kang kapangyarihan dito.. kaya pwede ba umalis ka na!!!! umalis ka na!!!" doon ako parang natauhan, dahil narinig ko ang malakas na pagsigaw at ang pagpiyok ng mga boses ni Sera.. Wala akong pakialam kung makalaglag panty ang kagwapuhan ng poncio pilatong nasa harapan ko... ang mas mahalaga ay ang mapuntahan ko si Sera.. ngayon na... paano ko ba matatakasan ulit ang lalaking ito? paano ako makaaalpas sa kanya gayung halos sakupin na niya ang buong pintuan dahil sa laki ng katawan niya? mukhang hindi pupwede ang naisip kong estilo... isang dipa na lang ang layo namin sa isat isa at ng mapansin niya ang ginagawa ko, napaayos ito ng tayo mula sa pagkakasandal nito.. teka——-
teka bakit ngayon ko nga lang ba naisip yun... ang tanga tanga mo Danika... baka nakakalimutan mo tinatawag na backdoor... may pintuan pa kami sa likuran kung saan tuloy tuloy sa kusina.. s**t!!! kung pwede ko lang batukan ang sarili ko ginawa ko na... nagsayang pa ako ng oras sa pag iisip.. Hindi ko mapigilang mapangiti.. na ikinakunot ng noo ng gwapong nilalang sa harapan ko.. ooooppsss kailangan kong makaganti sa kanya.. ang yabang yabang niya kasi akala mo kung sino.. manang mana sa amo.. nakaisip ako ng kapilyahan.. sabi ng mga kaibigan ko magaling daw ako sa tinatawag na pang aakit.. although I'm not like that.. I never intended to do that... tried and tested na daw yun.. sabi ng mga classmate ko sa Mapua.. tama I AM A CERTIFIED ARCHITECT.. hindi nga lang halata sa itsura ko.. tutal kanina pa niya ako iniinis at pinagnanasaan.. ano ba naman yung mas lalo siyang maglaway sa akin.. Marahan akong umatras ng bahagya sa kanya.. at halata sa mukha niya ang pagtataka.. tumalikod ako sa kanya sa paraang makukuha ko ng tuluyan ang atensyon niya.. narinig ko pa ang mahinang pag ungol na nanggaling sa kanya.. naglakad ako ng ilang hakbang pero sinigurado kong umiimbay ang bewang ko ng marahang marahan.. ramdam ko ang malalagkit na titig niya sa akin pero nagkunwari akong hindi ko iyon napapansin.. ng masigurado kong malaki na ang pagitan namin.. yung kapag tumakbo ako papasok sa backdoor hindi na niya ako maaabutan.. humarap ako sa kanya... those deep green eyes that was full of lust... sinasabi ko na nga ba.. pare pareho talaga ang mga lalaki... nginitian ko siya ng buong tamis.
"You know... I forgot to mention to you.. bahay ko to.. at dahil bahay ko ito.. alam ko ang pasikot sikot sa loob at labas ng bakuran namin.. it means.. kung ayaw mo akong papasukin dyan sa pintuan... ehh di dadaan ako sa likuran, tutal we have a backdoor there..." habang sinasabi ko iyon nagsisimula na akong tumakbo ng marahan patungo sa likuran... parang doon lang siya natauhan.. at nagsimula siyang humabol sa akin.. " s**t!!!" I heard him cursed.. malayo na ang pagitan namin ng maisipan kong humarap sa kanya at kindatan ko siya.. kunot na kunot ang noo nito.. at least napatunayan kong tao pala siya ... mukha kasi siyang patay na buhay dahil walang karea reaksyon kanina... at saktong nakapasok na ako sa loob ng lumapit ang distansya niya sa akin.. but its too late... dahil nailock ko na ang pinto.. ngiting ngiti na tumalikod ako doon... Now its time to face that bastard who made Sera cried..
Naglakad ako patungo sa dinning area kung saan ko sila nakitang nagtatalo kanina, hindi pa nila ako napapansin dahil abalang abala sila sa isat isa... " You have no right to speak to me like that Rafi!!! baka nakakalimutan mo hawak kita sa leeg, kaya dapat lahat ng sabihin ko susundin mo dahil in the first place malaki ang kasalanan mo sa akin.. Ikaw ang dapat makiusap hindi ako!!! Learn to respect me woman!!!" wow lang umiinit ang ulo dahil sa naririnig kong salita sa bibig niya.. nakatalikod siya sa akin.. he was a big man at kitang kita at damang dama ko sa aura niya ang authority.. pero grabe lang ha.. akala mo kung sino.. I saw Sera, gently drying her tears using her hands... ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito.. mabibilang ko lang sa daliri ko ang mga pagkakataon na yun... but seeing her like this, being helpless pakiramdam ko kailangan na kailangan niya ang tulong ko..
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko, basta ang tanging naalala ko na lang ay ang paghawak ko ng mahipit sa kanang braso ng lalaking iyon.. ng makuha ko ang atensyon niya mabilis pa sa alas kwatrong dumapo sa kanang pisngi niya ang kamay ko... " pak "
Lumikha ng malakas na ingay ang ginawa kong iyon sa kanya halos mapabaling ang mukha niya dahil doon, pakiramdam ko rin namamantal ang kamay ko na pinangsampal ko at kung nakakamatay lang ang tingin na ibinibigay niya sa akin malamang tumumba na ako sa kinatatayuan ko, nakaramdam ako ng kaunting takot pero dahil para ito kay Sera at Gabe... tinanggal ko iyon agad sa isipan ko... Galit na galit siya at doon ko lang napansin ang itsura niya... kamukhang kamukha siya ni Gabe.. lucky bastard, kung ako ang tatanungin hindi deserving ang lalaking ito sa kanilang dalawa.. no.. dahil ang tipo ng lalaking ito ay akala mo utusan ang tao sa paligid niya.. pero sorry siya dahil nakahanap siya ng katapat.. Naramdaman ko ang pagyakap ni Sera sa bewang ko.. habang nakatalikod ako sa kanya na para bang doon siya kumukuha ng lakas.. Isinubsob niya ang ulo niya doon at umiyak ng umiyak... Mas lalo akong nakaradam ng galit.. " You have no right to do this to her!!! How dare you!!! Wala akong pakialam kung sino ka at kung ano ka, pero wala kang karapatan na tratuhin siya ng ganito!!! You maybe her husband, you maybe the father of Gabe but for me... wala kang kwentang tao!!! now get out of our house bago pa ako tumawag ng mga pulis para ipahuli kayo dahil TRESSPASSING KAYO!!! " galit na galit na sigaw ko..
" And who the hell are you!!! " halos maglabasan ang ugat niya sa pagsigaw niya sa akin.. hawak hawak pa nito ang nasaktang pisngi nito na bakat na bakat ang kamay ko.. nakakatakot siya pero hindi ako nagpatinag sa kanya.. nilabanan ko ng tingin ang mga mata niyang akala mo kakainin ako ng buong buo.. sa liit kong ito, kayang kaya niya akong itulak at saktan.. I dont know this man, kung may kakayahan siyang gawin iyon sa akin.. I felt Sera stiffened mas humigpit ang pagkakayap niya sa akin.. And then in the blinked of an eye pakiramdam ko nasusufocate ako dahil sa mga lalaking nakapaligid sa amin.. na para bang gagawa ako ng masama sa amo nila.. ehh kung tutuusin kami pa nga ang inaapi, kami pa ang dehado.. Until I felt his presence... ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin.. that electrifying spark sa pagitan namin, but I did not dare to look in his side, kung saan siya nakatayo.. sa bandang right side ko... natatakot ako... natatakot ako sa nararamdaman ko sa kanya.. I bite my lower lip because of that.. shemay na malagkit pakiramdam ko nasa isa kaming mafia movie dahil sa mga lalaking ito..
" Answer me, WHO THE HELL ARE YOU?!! " doon ako parang natauhan at napatingin sa kanya.. grabe kung makasigaw wagas, ang lakas lakas pa naman ng dating ng asawa nitong si Sera, ang gwapo gwapo kaya pala minahal ito ng lukaret kong kaibigan ehh.. kaso ang sama sama ng ugali!!! haisst! "Wag kang sumigaw!!! magkalapit lang tayo oh!!! Kaibigan ko ang asawa mo, at saka pwede ba paaalisin mo sa paligid ko yang mga alipores mo, feeling mo naman sasaktan kita, eh ikaw pa nga tong mukhang mananakit, sa tingin mo ba mababalian kita ng buto sa liit kong ito.. Andami mong alaga, dami mong bantay."
Bago pa ako makahuma, may mga braso ng humatak sa akin na naging dahilan ng pagbitaw ni Sera sa pagkakayap sa akin.. ang bilis bilis ng pangyayari... laking gulat ko ng makita kong hatak hatak na nung lalaking iyon si Sera paakyat sa second floor, kulang na lang kaladkarin niya ito paakyat.. I was about to turn around para sundan sila ng maramdaman ko ang mga brasong iyon na humapit sa bewang ko... I felt it again that tingling sensation, and just my luck when I turned around... sinalubong ako ng mga matang iyon.. that deep penetrating green eyes of him... " Payback time... Dani.." halos manayo ang balahibo ko sa batok dahil doon, ramdam na ramdam ko ang hininga niyang dumadampi sa tenga ko.. bakit pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko dahil sa simpleng pagkakabanggit niya ng pangalan ko..? coming from him pakiramdam ko nalaglag ang panty ko dahil sa ang sexy ng pagkakabanggit niya doon... pinakiramdaman ko pa ang sarili ko... suot ko pa rin naman... until I noticed that.. kaunti na lang ang pagitan ng mga mukha namin... and God... napalunok ako ng maraming beses dahil doon... I was thinking of...
kissing him?
kung malambot ang labi niyang napaseksing tingnan...
ano bang masamang espiritu ang sumapi sa akin?