Chapter 8

1638 Words
CHAPTER EIGHT DANI POV " Round One.. Toff.. and I can see that.. it affects you very much.. I can see it in your eyes.. you desire me.. your lusting for me.. are you gonna admit it to me na malakas ang appeal ko sayo.. dahil kung hindi pa rin.. sinasabi ko sayo.. pahihirapan kita araw araw.." Gusto kong matawa sa nakakabaliw na reaksyon niya... Lalo ng makita niya ang suot ko.. Sinadya ko.. sinadya ko talagang ipakita at ibilad ang katawan ko sa pamamagitan ng pagsuot ko ng maiksing short, manipis at hapit na hapit na sleeveless. Dahil alam kong makukuha ko ang atensyon niya at hindi nga ako nagkamali pati nga mga alipores niya kulang na lang kainin nila ako ng buo.. I AM SEDUCING HIM.. I want him to drool, I want him to feel angry and jealous.... para kahit papaano maramdaman niyang tao siya... tao siya na may emosyon na pilit niyang nilalabanan. INAAAKIT KO SIYA... Una dahil gusto kong bawiin niya ang sinabi niya ng gabing iyon na wala akong ka appeal appeal sa kanya. Pangalawa gusto kong makaganti sa pagnanakaw niya ng halik sa akin.. lalo na ng isampal niya sa pagmumukha kong nagsisisi siyang hinalikan niya ako.. Pangatlo dahil.. dahil.. gusto ko siya.. pero parang balewala lang ako sa kanya.. gusto ko siya sa unang pagtatagpo pa lang ng aming mga mata.. pero nilalabanan niya ang atraksyon sa pagitan naming dalawa.. yun ang hindi ko maintindihan.. umaasta siyang parang balewala.. balewala ako.. " Damn you woman!!!! You'll pay for this!!! !" I did not expect that.. I did not expect him to shout na kulang na lang mabasag ang eardrum ko sa sobrang lakas.. napatigil at napatingin tuloy kami sa kanya.. his jaw was set, his fist was clenched and his body was shaking.. shaking with anger.. nakaramdam ako ng takot ng magtagpo ang aming mga mata.. napalunok pa nga ako ng ilang beses lalo na ng maglakad siya papunta sa akin.. doon ako parang natauhan.. no.. no.. I wont let him touch me.. dahil matatalo ako.. matatalo ako sa larong sinimulan ko.. natatakot akong kapag nagdikit ang aming mga balat.. bumigay ako.. at masasaktan at mapapahiya na naman ako.. Kaya ng makita kong kaunti na lang ang pagitan namin.. umatras na ako.. lumayo ako sa kanya pero hindi ko inaasahan ang pagbilis at paglaki ng hakbang niya na para bang alam niyang tatakasan at tatakbuhan ko siya.. nagulat na lang ako ng mariin ng nakakapit ang kanang kamay niya sa kaliwang braso ko.. pumiglas ako.. pero parang bakal ang kamay niya.. tumingin ako sa paligid.. at nakita kong pinagmamasdan lang kami ng mga tauhan niya.. they were smirking na para bang nakakatuwa ang mga nangyayari.. hinatak niya.. ay hindi mas tamang sabihin na kinaladkad niya ako.. kinaladkad niya ako paakyat sa hagdan.. piniksi ko ang braso ko pero mas lalong humihigpit ang pagkakahawak niya.. natitiyak kong magkakapasa iyon maya maya lang.. nasasaktan ako pero hindi ko iyon sinabi sa kanya dahil ayaw kong pagtawanan niya ako.. ayokong magkaroon siya ng satisfaction na nagpapaawa ako sa kanya.. kaya ko ang sarili ko... kayang kaya ko ang sarili ko.. yan ang paulit ulit na sinasabi ko sa isipan ko kahit ang totoo.. natatakot ako.. lalo na at ramdam na ramdam ko iyon sa aura niya.. sumobra ba ako? nagalit ko ba talaga siya ng husto? Halos pasalya niya akong binitawan papasok... papasok sa aking kwarto.. pabalibag niyang isinarado ang pintuan na halos masira na iyon.. mabuti na lang talaga at wala sina Sera dito at si Gabe dahil natitiyak kong marami akong ipapaliwanag sa kanila.. He was breathing very hard habang nakasandal sa pintuan, habang ako.. hindi ko na malaman ang gagawin ko.. s**t!! ano ba itong napasok ko.. kanina ang tapang tapang ko.. pero ngayong kami na lang dalawa pakiramdam ko mawawalan ako ng malay dahil sa sobrang kaba.. nanlilisik ang mga mata niya habang naglalakbay sa buo kong katawan.. mararape pa yata ako ng wala sa oras.. ang gusto ko lang naman mapansin niya ako.. hindi ma rape... masyado pang maaaga para doon.. simpleng halik at yakap lang sapat na sa akin.. pero------ tang ina... ano bang pumapasok sa isipan ko.. s**t!! kasalanan niya ito!!! nagkakasala tuloy ang napakalinis kong utak at kaluluwa!!!.. Napaatras ako ng ilang hakbang ng maglakad ito papalapit sa akin... pero ng lagpasan niya ako.. nakaramdam ako ng pagkadismaya.. akala ko susunggaban na niya ako at ihihiga sa kama.. at makakarating na kami sa kung saan.. haissstttt... pesteng makamundong utak ito!!!! ngeeehhh.. echosera ka talaga Danika.. feeling mo naman susunggaban ka nyan.. huuuuuu!!! ang init ng kwarto.. samantalang aircon naman.. Humarap ako sa kanya.. pero halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko ang ginagawa niya sa closet ko.. hinahalungkat niya iyon.. parang.. teka naghahanap siya ng damit.. damit? para saan? tang ina lang talaga kung makakalkal lang akala mo basura ang mga damit ko ahh.. lalo akong nakaramdam ng inisng sa tuwing hindi niya magugustuhan ang damit na nadadampot niya basta niya lang iyon itinatapon sa kung saan.. napanganga at namula ang buo kong mukha ng madampot niya yung mga panty at bra ko!!!!! s**t!!! " Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!!! Toff!!!! Invasion of privacy yan!!! " sigaw ko ng makalapit ako sa kanya.. habang pilit kong inaagaw ang ilang pares ng panty at bra sa dalawang kamay niya.. seryoso ang mukha niya walang mababakas ng emosyon.. hindi siya tumatawa, galit lang talaga.. galit lang ang kapansin pansin sa mga mata niya.. " Shut up Dani... or else hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa pesteng mga damit mo na ito... kung matatawag mo ngang damit .. eh kulang na lang ilabas at ilantad mo ang katawan mo. Ganito ka na ba talaga ka desperadang magpapansin sa akin.. kaya lahat gagawin mo.. ganyan ka ba talaga? naghahanap ka ba ng lalaki?.. pwes!! wag mo akong isali sa kalandian mo.. " wow lang.. wow lang talaga sa lalaking ito.. kumukulo ang dugo pakiramdam ko tumataas ang presyon ko.. sino siya sa akala niya?!!! sino siya!!! hindi niya ako kilala!!! " Get.the.hell.out.of.my.room.now!!!!! wala kang karapatan na sabihin sa akin ang lahat ng iyan!!! Dahil hindi mo ako kilala!! your a hypocrite!!! at least ako marunong akong magpakatotoo hindi kagaya mo!!! Pasasaan ba at sasabog ka rin!! now get out bago ako makagawa ng bagay na parehas nating pagsisisihan!!! malandi pala ah... pwes!! mas ipaparamdam at ipapakita ko sayo ang kalandian ko!!! " galit na galit na sigaw ko sa kanya.. pero hindi siya natinag.. nakatitig lang siya sa akin habang nakatiim bagang.. tumalikod ito ulit sa akin at nagpatuloy ito sa ginagawa niya.. ang kapal talaga ng mukha niya... puro kalat na tuloy ang kwarto ko.. yung mga damit ko kung saan saan na napapadpad.. pilit kong kinakalma ang sarili ko.. kalma lang... kalma lang.. dahil ang magalit at mapikon siyang talo.. ilang minuto ko siyang pinagmasdan... ano ba ang hinahanap niya!!! " Ano ba ang hinah-------------------- "Magpalit ka..." putol niya sa sinasabi ko.. napatingin ako sa iniabot niya. Isang maluwang na black tshirt ng may tatak ng NYPD at isang jogging pants.. kumunot ang noo ko.. so.. so kaya pala siya parang basurerong nagkakalkal ng basura sa closet ko iyon ay dahil naghahanap siya ng damit.. damit na ipampapalit ko sa suot ko ngayon. " At bakit ko naman gagawin iyon? Sino ka para sundin ko.." pagmamatigas ko sa kanya.. " Magpapalit ka o huhubaran kita at ako na mismo ang magbibihis sayo. You choose Dani.. Alam kong matapang ka, pero pipiliin mo ang taong iinisin mo.. dahil maiksi lang ang pisi ko.. wag mo ng hayaan na masagad ako.. dahil sinasabi ko sayo.. MAGSISISI KA.." sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang kaba at takot.. walang kaemo emosyon ang boses niya pero ang mga mata niya kulang na lang patayin ako.. sa sobrang galit.. doon ko lang napansin ang panginginig ng magkabila kong kamay.. goddammit!!! pinaghirapan ko pa naman ang suot ko ngayon.. tapos mababalewala lang pala.. Pahablot kong kinuha sa mga kamay niya ang damit na isusuot ko.. para ba hindi niya mahalata na nanginginig na ako sa takot.. sinalubong ko rin ang mga mata niya.. nakipagtagisan ako ng titigan.. " Lumabas ka na.. kaya kong magbihis ng mag isa.. hindi ko kailangan ng tulong mo.. Takot ka lang kasi.. takot ka sa nararamdaman mo.. Duwag.. duwag ka.." buong tapang kong sabi sa kanya.. " Dont.you.ever.call.me.a.coward. Dani.. I AM DOING THIS FOR YOUR OWN GOOD.. so suck it up.. maraming lalaki sa mundo.. HINDI LANG AKO.. so stay away from me.. stay away as far as you can.. bago ka tuluyang malunod." natigilan ako sa mga sinabi niya.. anong ibig niyang sabihin? Dahan dahan siyang naglakad palabas ng pintuan.. pero bago siya tuluyang makalabas tumingin pa muna siya sa akin.. " Hindi mo naman ako kailangang ILIGTAS, kung ako mismo ang nagpapakalunod...." thats the last thing I said to him bago niya tuluyang maisara ang pintuan ng kwarto ko.. Naiwan akong tulala at nag iisip.. I'm doomed.. its supposed to be a simple crush.. yes, I like him who wouldnt be? eh nasa kanya na ang lahat.. pero hindi ko maintindihan ang sakit na bumundol sa dibdib ko lalo na sa mga huling sinabi niya kanina bago ito tuluyang lumabas ng kwarto ko.. Naguguluhan ako sa inaasta niya.. does she even like me? o talagang feelingera lang talaga ako.. no.. I know he likes me... hindi ako pwedeng magkamali doon.. I CAN SEE IT IN HIS EYES EVERYTIME HE LOOKS AT ME.. KAHIT PALIHIM IYON.. at saka bakit siya magre react ng ganito at pagpapalitin pa ako ng damit kung wala siyang nararamdaman.. s**t!!! this is getting out of hand... at natatakot ako.. " Is it even possible that I'm falling from him?" Patay kang bata ka Danika.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD