CHAPTER TEN DANI POV Ilang araw ko ng napapansin ang pangungulit at pagpapansin sa akin ni Latiff. Hindi naman ako nakakaramdam ng pagkailang pero hindi ko mapigilang makaramdam ng takot sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin ni Kristoff, kulang na lang lamunin niya ako ng buo at mapatay niya si Latiff sa simpleng pagtingin niya lang.. Ramdam na ramdam sa paligid ang tensyon sa aming tatlo.. at hindi iilang beses na gusto kong iuntog ang ulo ni Latiff dahil sinasadya niya ang pagpapaselos kay Kristoff.. Oo nga at balak kong patayin sa selos at galit ito para makapag tapat siya sa akin na ako'y gusto niya.. pero ayoko namang dumating sa point na magkakasakitan na sila. Im just having a little fun.. kaso.. sa ginagawa ko.. mas lalo kong inilulubog ang sarili ko.. natutuwa ako sa mga nakik

