Habang naglalakad si Jenna sa kahabaan ng Session Road, abala siya sa pagtingin-tingin sa mga gusali at tindahang nadaraanan. Malamig ang simoy ng hangin, kaya’t hinigpitan niya ang pagkakayakap sa sarili. Saglit siyang tumigil upang ayusin ang scarf sa leeg, ngunit nang ipagpatuloy niya ang paglalakad ay may naramdaman siyang tumabi sa kanya. Parang may dumaan na kuryente sa katawan niya. May kakaibang presensyang bumalot sa kanya, dahilan para mapalingon siya. Halos lumuwa ang mata niya nang makita kung sino ang naglalakad sa tabi niya—si Heirman. "Heirman..." Mahina niyang bulong, halos hindi makapaniwala. Sakto namang lumingon din ito sa kanya, at sa labi ng lalaki ay nakaguhit ang isang mapanuksong ngiti. "Hello, my Jenna. How are you this morning? Enjoying your walk?" Malamig pe

