"ANO BA ang relasyon mo sa Dwayne na yun?" Bigla na lang tinanong sa kanya ni Heirman habang magkasalo silang kumakain. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang katanungang iyon. Nagtaas siya ng tingin. "Bakit mo naman naitanong?" Ibinalik nito ang atensiyon sa plato na nasa harapan nito. "Para ka kasing namatayan kung makaiyak ka nang malaman mo na tinanggal ko siya sa trabaho." Napakagat-labi siya. "Sorry about that. Naging overacting yata ako kanina." "Hindi yan ang tanong ko, Jenna." Anito na walang emosyon ang boses. Mas bumaon pa ang ngipin niya sa kanyang mga labi. "Wala kaming relasyon. Magkaibigan lang kami." "Really?" Halata sa boses nito na hindi ito naniniwala. "Oo." Tumingin ito sa kanya. "Hindi ako naniniwala." Naiinis na ibinagsak niya ang kutsara at tinidor sa pla

