TAHIMIK na nakaupo si Jenna sa isang bench ng Fun Park habang hinihintay ang pagdating ng kanyang mga anak. Kasama niyang naghihintay si Heirman, ngunit kapansin-pansin ang distansyang inilagay nito sa pagitan nila. Hindi ito umiimik, at kahit na gusto ni Jenna na simulan ang isang usapan, nararamdaman niyang ayaw siyang kausapin ng lalaki. Halatang iniiwasan siya nito. Ito ang kabayaran ng pag-alis niya noon. Ngayon, kung kailan handa na siyang tanggapin muli si Heirman sa buhay niya, ito naman ang naglalagay ng pader sa pagitan nila. Napakalupit ng tadhana. Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin niya napigilan ang sariling magsalita. "Mahilig si Lexxus sa mga laruan niyang kotse, samantalang si Lexxie naman, gustong-gusto ang mga manika at tea party," simulang sabi niya, pinipilit na gawi

