NAKATITIG lang si Heirman sa mukha ni Jenna habang nakahiga ito sa hospital bed. Labindalawang oras na itong walang malay. Sa bawat segundo ng paghihintay, unti-unting kinakain ng takot at konsensiya ang kanyang puso. Ang dalaga na minsan niyang pinabayaan ay ngayon nakaratay, mukhang payapa ngunit alam niyang hindi ito totoong mahimbing na nagpapahinga. Sa likod ng tila mapayapang ekspresyon nito, may sugat at sakit na hindi niya mabura. Hindi sana niya malalaman ang nangyari rito kung hindi lang siya naging mapaghinala. Sinundan niya ito ng hindi inaasahan, marahil dala ng kung anong pangamba sa dibdib niya matapos ang kanilang huling pag-uusap. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang kakaibang kaba—isang pangamba na tila may hindi magandang mangyayari. At hindi nga siya nagkamali. Na

