GINAWA ang lahat ni Heirman para pigilan ang sarili na pumunta sa inuukupang apartment ni Jenna. It had been a week since she became his secretary, and in that week, wala siyang ginawang hindi kanais-nais para sa dalaga. Sinigurado niyang hindi ito mahihirapan sa trabaho, hindi niya ito sisigawan, at higit sa lahat, hindi niya hahayaang umalis ito. Ayaw niyang mag-resign na naman ito. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya at baka mabaliw na naman siya. Nakatingin siya sa kisame ng kanyang opisina, pinipilit na huwag siyang magpadala sa bugso ng damdamin. Ngunit habang tumatagal, lalong nagiging mahirap para sa kanya na sundin ang sariling mga patakaran. Heirman already broke three of his five rules, and he's very sure that give it a month or two, he'll break the remaining two. Napapi

