Inisang hakbang lang ni Heirman ang pagitan nila, his presence suddenly overwhelming. "You're lying. Okay lang sa'yo na magkasama kami ni Odette?" His jaw clenched, his voice laced with disbelief. "That's bullshit, and you know that! Stop lying to me, Jenna, and tell me the truth. Wala naman yatang mawawala sa'yo kung sasabihin mong mahal mo ako! For Christ's sake! For once, Jenna, tell me that you're jealous because you love me. Ano pa ba ang kailangan kong gawin para lang marinig ko ang salitang 'yon mula sa'yo?" Napipi si Jenna sa mga narinig niyang sinabi ni Heirman. Shock was an understatement. Akala niya, wala na itong nararamdaman para sa kanya. Akala niya, hindi na siya nito mahal. But she was wrong... The way he said those words, the raw intensity in his voice—it sounded like he

