Bella’s Point of View Hindi ko sinasagot ang mga tawag at text ni Bella. I decided to end this relationship short. Wala naman kasing patutunguhan. Katulad ng inaasahan, pinuntahan kami ni Papa pero hindi siya nakapasok sa gate ng Club. Nagtangka pa siyang ipapakulong si Red at kakasuhan ako ng kidnapping. Nang hindi umepekto iyon, tinawagan niya ako para ako ang takutin. Pero hindi na ako takot ngayon. Pinanindigan ko ang pagkupkop kay Mama. Nakita ni Mama kung paano ako lumaban. Kaya siguro lumakas ang loob niya at nagsisimula na siyang lumaban kay Papa. Inaabangan ni Mama ang Binibining Pilipinas. Sayang daw at hindi namin nasuportahan si Bella. Nag-ring na naman ang phone ko but this time si Diane. “Hoy, Francisco Montalban, kilala kita ah,” bungad nito pagkasagot ko ng phone. Halo

