Frank’s Point of View
Nasa downtown ako kasama si Kath at Gab. Buhat nang magpakasal ang mga kaibigan namin, parang naiwan kami ni Kath. Madalas pang naka-duty sa hospital ang isang ‘to.
“Anong trip mo ngayon?” tanong ko sa kanya. Pinagmamasdan namin si Gab na nakikipag-usap kay Cailee. Ang bilis lang lumaki ng mga batang ito. Akalain mong five years old na kaagad sila.
“Gusto ko ng cupcakes,” sagot nito. “Maraming sugar ‘yon, Kath. Nakakataba,” Sagot ko sa kanya. Inirapan niya ako.
“Ikaw pa ang natakot tumaba ng lagay na ‘yan ha? Nakita mo ba ako noong kapapanganak ko? Kasing laki ko ang dugong. Iyon ang mataba.”
“Saka magkaka-diabetes ka,” I told her. “Hindi lang sa sugar nakukuha ang diabetes. Para kang hindi doctor,” sagot nito.
“Ay, girl. Doktor ako ng hayop. Wala pa akong nade-detect na diabetes sa mga hayop so far.” I rolled my eyes on her.
Natawa si Kath. “Frank, sayang ka.”
“Oh, please,” exaggerated na sagot ko. “Tigilan niyo ako sa mga sayang na sayang na ‘yan.”
“Oo nga. May tanong ako sayo, bakla,” she whispered. “Ano na naman ‘to?”
“Nakahalik ka na ba ng babae?” tanong ni Kath. Tinignan ko si Kath. Her blue eyes are shining. Curious na naman ang Lola mo.
“Oo naman,” I replied. “Totoo?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“Oo. Hindi naman ako bakla dati.”
“Kailan mo nalaman na bakla ka? Paano mo nalaman na bakla ka? Saka bakit wala kaming nakikitang boyfriend mo?” sunod-sunod na naman ang tanong nito.
These girls are unbelievable. Kay Diane pa lang malulula ka na sa mga tanong, dagdagan pa raw ba ng mga tsismosang kaibigan niya. Kung hindi ko lang mahal ‘tong mga ‘to.
“Kailan ko nalaman? Lately lang. Noong nakasama ko na si Diane sa London. Paano ko nalaman? Kasi wala akong type sa mga babae. Parang wala lang. Alam mo ‘yon. Hindi ako— Kath, I can’t believe we are having this conversation in the middle of Downtown.” Naiinis ako dahil isa-isa ko naman sinagot ang tanong niya.
“Ano nga? Sinasagot mo na e. Baka mayroong medical explanation lang. Baka hindi ka naman bakla… alam mo ‘yon. Baka bisexual,” Pinagpilitan talaga ni Kath ang theory niya.
I looked at her flatly. “Girl, stop analyzing. Ako nga nagsawa na kaka-analyze e. So, para lang may category ako, nilagay ko na ang sarili ko sa bakla. Saka stop asking these questions. Ang daming tao oh. Mamaya mo may nakikinig sa atin.” Baka malaman pa ng Daddy ko. Baka ilibing niya ako nang hindi oras.
“Mommy!” Tumatakbo si Gab palapit sa amin. “Can we go to Sweet Bells?”
Napangiti si Kath. Itong nanay na ito, pasimuno. “Let’s go.” Tumayo si Kath at tinaasan ako ng kilay nang hindi ako gumalaw.
“Tara na,” yaya nito. “Maiwan na ako.”
“Ano ka? Ipag-drive mo kami. Alangan naman na maglakad kami. Ang layo layo oh,” sagot ni Kath.
“Ang daming kotse ng kapatid mo bakit hindi ka kumuha ng isa.” Naiinis akong tumayo at naglakad kami papunta sa parking area.
“Ang dami ng naibigay sa akin ni Kian. Pati ba naman kotse iaasa ko pa. Saka mayroon naman akong ginagamit,” she replied.
“Eyesore ang kotse mo sa parking lot sa totoo lang.”
“Saka nand’yan ka naman.” She chuckled. “Para saan pang single tayong dalawa?”
“Ha-ha-ha. Funny ka,” sarcastic na sagot ko. Tumawa si Kath. Ewan ko ba sa mga ito. Gustong-gusto akong pinipikon. Lalo na si Diane. Mabuti nga at nasa Hacienda niya ngayon. Natahimik ako pansamantala.
Pagpasok namin sa Sweet Bells, nauna nang tumakbo si Gab. Ngayon lang ako napasok dito sa Sweet Bells. Madalas sa clinic lang ako ni Diane, lalo na kapag wala siya. By the way, kung hindi ba naman tinamaan ng kagagahan si Diane, ang pangalan ng clinic niya ay Vet on your Baby. Napapailing na lang ako tuwing papasok ako sa clinic niya.
Kinakanta niya pa ‘yong jingle. Oo, may jingle ang clinic niya na pinapatugtog niya kapag nando’n ako. Nakaka-LSS nga. Vet on your baby, vet on your baby, vet on your baby. Parang sumpa ang kanta na ‘yan. Kahit sa panaginip kinakanta ko.
“Hi, Gab! What is your order?” tanong ni— ano nga pala pangalan nitong babae na ito?
“Ms. Bella, what is your specialty for today?” tanong ni Gab. Ayon, Bella ang pangalan niya.
“I can’t decide,” Gab replied like choosing cupcakes is a very difficult task.
“Hi, Ms. Kath. Hi, Frank,” bati nito. Super friendly naman this girl.
“Kath na lang,” sagot ni Kath. Ngumiti na naman ito. In fairness, ang ganda ng ngipin ni ate girl.
“Hi,” bati niya sa akin. Tinanguan ko siya. “Anong order niyo?” tanong nito.
Tumingin ako sa rack niya na puno ng cupcakes. “Aling flavor ang pinakakaunti ang sugar?”
Napako na yata ang ngiti ni ate girl. “Kaunti ang sugar?” tanong nito. Tumango ako. I heard Kath and Gab discuss the pros and cons of each flavor.
“Mayroon akong black chocolate. Iyon ang maire-recommend ko if you like less sugar,” sagot nito.
“Okay, I’ll try one,” I said. “Sa amin Bella, one dozen na assorted. Hindi kami makapili e,” sagot ni Kath.
“Take out?”
“Pakilagay mo na lang sa box, pero kakain kami dito. Dalhin namin ‘yong tira,” sagot ni Kath. Um-order pa ng soda si Kath. May lahi ngang puti itong babae na ito. Mahilig sa matamis. Nahawa na tuloy ang anak.
“Buti nandito ka sa shop mo ngayon?” tanong ni Kath kay Bella pagkababa nito ng order namin.
“Nag-mix lang ako ng mga ingredients. Saka nag-check din ako kung buhay pa ang negosyo ko. Si Yumi saka si Merjie kasi ang naiiwan,” natawa siya sa biro niya. Naki-join si Kath. Hindi ko naman kilala ang pinag-uusapan nila.
“Kamusta ang training mo?” Kath asked. Mautak ang mag-ina na ito. Hinati sa dalawa ang cupcake para matikman nila lahat.
“Mahirap, pero kaya ‘yon,” sagot nito. “Training for what?”
“For Binibining Pilipinas,” sagot ni Kath. Ngumiti na naman si ate girl sa akin. Medyo weird siya. Baka makuha niya ang Ms. Congeniality kung magpapatuloy siyang ganyan.