Kabanata 7 "KAIN na ho kayo." Ani ko nang matapos maihanda ang Sinigang na niluto ko. Tinignan ko si Manang at bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan. Ngumiti naman ako, "Manang sige na po. Kumain na ho kayo. Alam kong pagod kayo sa paglilinis." Dagdag ko naman. Napakamot naman sa ulo si Manang, bago tumingin sakin. "Kaya lang, Maam. Nakakahiya." anito na ikinangiti ko pa. "Manang wag na po kayong mahiya sakin. Sige na ho, kain na kayo." ani ko bago tinignan ang apat pang kasamahan nito. "Magsiupo na ho kayo. I'm sure gutom kayong lahat." pag-aaya ko pa. Matagal pa kaming nagtitigan, bago tumango si Manang na ikinasiya ko. "Osige na nga ho." anito sakin bago bumaling sa mga kasama. "Tara na't kumain na tayo, sayang naman ang effort ni Maam sa paghahanda." Ani Manang, na agad sinang-a

