"ANONG BALAK MO?" iyon ang tanong ni Marco sa akin dahilan upang magulat ako sa pag sulpot nito. "Saan!?" taas kilay na tanong ko. Umismid ito at inirapan ako saka humilig sa hamba nang pinto at mataman akong tintigan. "Medyo mabait ako ngayon sa attitude mo Sis, Kaya lumayas kana sa pamamhay ko hindi na ako natutuwa sayo!" naiinis na singhal nito sa akin. Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Napatigil ako sa aking ginagawang pag huhugas nang plato at itinuon ang buong atensyon rito. "Hindi mo ako pwedeng palayasin.." nakataas kilay na sabi ko rito. Ngunit nginisian lang rin ako nito at nagkibit balikat. "Okay.. Ako kase aalis din, bahala ka na binenta ko na ito, may ari nalang ang mag papalayas sayo!" sambit nito bago humalakhak na akala mo ay kontrabidang demonyo sa isang palabas.

