Hirap akong aminin sa mga Salazar ang nangyari dahil hawak ako sa leeg ng magkapatid na 'yun. Masiyado pa akong windag at na trauma lalo na noong maiwan ko si papa Romulo sa kanila na naghihingalo sa kanyang mga binti na may tama ng baril. Ayaw ko sana siyang iwanan ngunit utos ni Roxan at Jasper na dapat bumalik na ako sa pamamahay ni Austine. Alam nilang nababaliw na kahahanap si Austine sa akin kaya kailangan ko nang makabalik at sa pagbalik ko ang pamilyang Salazar ang bumungad sa akin. "Iha, can you tell us what happened? Paano ka nakauwi rito? Tinakasan mo ba ang ama mo?" sunod-sunod na tanong ni Ma'am Grace nang matapos kaming kumain sa gabing iyon. I am done taking a shower. Napaghinga ko na rin ang katawan nang ilang sandali. When I recovered myself. They question me again.

