Ilang sandali pa bumukas ang elevator sa maraming beses. Nanlaki ang mata ko nang pagkabukas nito mukha ni Austine ang nakasalubong ko. Katabi niya si Roxan sa loob ng elevator, nakangiti pa ang babae at may sinabi siya kay Austine. Agad dumirekta ang tingin ni Austine sa pwesto ko. Mabilis akong tumayo para salubungin siya. Ngumiti ako nang malawak tinago ang kalungkutan na nadarama kanina. Sa dami kong iniisip. Nagpakita rin siya. "Celyn? You're here?" Bahagya itong nagulat. Naglakad siya palapit sa akin. Napalitan ng walang emosyon ang mga mata niya nang sinuyod ang kabuuan ko. Austine wearing a white longsleeve. His manly the way he walked. Magulo ang kanyang buhok. Mukhang kanina niya pa iyon ginulo. Ang makapal na kilay nito agad nagkasalubong nang mapansin niyang nataranta ako.

