"Hindi ba't katulong ka lang ni Mr.Salazar? Bakit naging sekretarya ka niya rito?" pagtatakhang tanong ni Ella. Ang front desk na nakasalamuha ko sa tuwing pumupunta ako rito sa Company ni Austine. Siya na ngayon ang nag-asikaso sa gagawin ko rito bilang sekretarya. "Ginusto kasi ni sir Austine na ako muna ang maging right hand niya habang naghahanap pa siya ng bago." Tinuturuan niya ako sa mga gagawin ko bilang sekretarya. Hindi siya makapag-focus dahil panay tanong siya kung bakit dumating sa punto na naging secretary ako ni Austine. Pagkapasok niya pa lang kanina naging-hyper na agad siya. Sunod-sunod ang katanongan niya. "Alam mo ba? Pinaghandaan talaga ni Mr.Salazar ito. Nagpabili talaga siya ng bagong lamesa at upuan mo. Akala namin kung sino ang bagong sekretarya ikaw lang pala

