Chapter one

1528 Words
"Bayad po..." Inabot ni Abby ang kanyang sampung pisong bariya sa babaeng mataba sa kanyang tabi Tinaasan siya nito ng kilay "Ay girl nakita mong kumakain ako ng mani diba? Ikaw ang lumapit sa harapan ng jeep para makapag bayad ka. Ang tamad tamad nito.." Napanganga nalang si Abby sa pagsusungit ng babaeng ito. Dalawa lang kasi silang pasahero ng jeep. Madami siyang dala dalang balutan kaya nakikisuyo lang sana siya upang i-abot ang kanyang bayad Ang sungit naman.. Bitbit niya ang kanyang tatlong bag dahan dahan siyang umusog papunta sa harapan. Mabigat ang bag na kanyang dala dahil mga damit niya ang mga iyon "Bayad po manong.." Napa-iling nalang ang driver ng jeep ng makita nitong hirap na hirap siya sa kanyang mga dala dala "Ineng nag layas ka ba?" "Hindi po manong.." "Mukhang galing ka pa sa probinsya base diyan sa suot mong damit" Pasimple niyang pinagmasdan ang kanyang damit. Mahaba ang kanyang suot na paldang itim , At blusa na kulay pula ngunit luma na dahil pinag lumaan pa iyon ng kanyang tiya melva. Probinsyanang probinsyana talaga ang kanyang itsura. Laki siya sa hirap. Hindi siya nakapagtapos ng pag aaral dahil sa kahirapan ng buhay sa probinsya. Tinulungan niya agad mag trabaho ang kanyang magulang "Oho.. Naliligaw na ho ata ako.. Alam niyo ho ba yung mansyon ng mga Hopman?" "Hopman?" napakunot naman ang nuo ng driver ng jeep "Oho.. hinahanap ko po kase kanina pa pero naliligaw na ho ata ako" Kanina niya pa hinahanap ang mansyon kung saan siya maninilbihan bilang katulong. Ipinasok kasi siya ng kanyang tiya melva bilang katulong sa pinagtatrabahuhan nito. "Hopman? O baka naman hoffman ineng?" "O..Oho iyon nga ho.." itinigil nito ang jeep sa tabi ng kalsada "Ah lagpas kana ineng. Di mo agad sinabi sakin sana naibaba kita." "Nako saan po ba iyon?" "Yung pangalawang kalye mula dito lumiko ka doon. Makikita mo sa pinakadulo may malaking kulay puting gate. Ayon na ang mansyon ng mga hoffman ineng. Mag iingat ka maraming aso doon" "S..Salamat ho manong" Bitbit ang kanyang tatlong malalaking bag bumaba siya ng jeep Matindi ang sikat ng araw dahil halos mag aalas dose na nang tanghali "Nako po ang layo!" Napalabi nalang siya ng makita niya kung gaano kalayo pa ang kanyang lalakarin "Ang bigat pa naman nitong mga dala ko!" Napabuntong hininga na lang si abby. Kanina pa din siya nagugutom dahil galing pa siya sa Mindoro. Bagong salta lang siya dito sa maynila kaya hindi pa siya sanay Hindi niya alam kung paano din siya bibili ng kanyang pag kain dahil bente pesos nalang ang laman ng wallet niya Tumatagaktak na ang kanyang pawis sa kanyang noo. Habang patuloy niya padin binubuhat ang kanyang mga gamit BEEP BEEEEEEP!!! "AY KABAYO!!" Nagulat siya ng may biglang sasakyan na muntik na siyang masagasaan!! Nabitiwan niya tuloy lahat ng kanyang bitbit at kumalat iyon sa kalsada. Ang bilis ng t***k ng kanyang puso pakiramdam niya muntik na siyang mamatay! Napaupo siya sa kalsada dahil sa nangyari "Awww Aray.." Nasaktan din ang kanyang puwet dahil sa pagkakabagsak niya. "s**t! Ayos ka lang ba miss?" Napa-angat ang kanyang tingin sa lalaking lumapit sakanya. Tumakbo ito mula sa kotse nito upang lapitan siya Hindi niya ma-aninag ang mukha nito dahil nasa likod nito ang sinag ng araw. "Are you okay?" tanong uli nito Pasimple niyang sininghot ang mabangong perfume nito. Daig pa niya ang nakasinghot ng droga dahil ang bango bango nito. "Mukha ba akong okay? Parang hari ka ng daan eh." Galit siyang tumayo at pinagpag ang kanyang damit Napabuntong hininga siya ng makita ang kanyang mga gamit na nagkalat sa kalsada "Look I'm sorry. Hindi ko napansin na naglalakad ka--" "Hayaan mo na nangyari na eh Sa susunod mag iingat ka nalang sa pagmamaneho mo. Baka makapatay ka pa ng wala sa oras eh." Sinungitan niya ito. At isa isa niyang pinulot ang kanyang mga damit Tinulungan agad siya nito mag pulot ng kanyang gamit Ngunit napasimangot si Abby dahil muntik na nito pulutin ang kanyang bra!!! "Hoy wag yan!!" Inagaw niya agad ang kanyang pink bra na muntik na nitong pulutin "I'm just trying to help.." Napapangiti ito dahil namula ang kanyang buong mukha "Wag mo nakong tulungan. Okay lang ako. Sige na iwanan mo nako para maligpit ko na lahat ng ito" Yumuko uli siya upang kunin lahat ng kanyang mga gamit "Wait M..Miss ako nalang pupulot. Wag kana yumuko.. Ano kase.. M..Maluwang yung damit mo nakikita ko yung cleavage mo--" "AHHHHH!! BASTOS KA!!" pinaghahampas niya agad ito dahil sa sinabi nito. "Hey! Stop it! Kaya nga sabi ko ako nalang mag pulot---" "Bastos ka! Manyak! Manyak!!" Pinagpapalo niya padin ito. Hindi niya kasi napansin na nakatingin ito sa kanyang cleavage! "I said stop it!" hinawakan nito ang kanyang kamay kaya napatigil siya sa kanyang paghampas sa matigas nitong dibdib Napatingin naman siya sa mukha nito. Sa pagkakataong ito nasilayan na niya ang mukha nito. N..Natulala siya ng makita niya ng tuluyan ang mukha ng lalakeng stranghero Halos maduling si Abby dahil sobrang gwapo pala nito!!! Hindi niya maiwasan matulala sa buong mukha nito. Shocks ang gwapoo! Ganito ba kagwapo ang mga taga maynila?! Kulay blue ang mata nito at mahaba ang pilik mata. Halatang may ibang lahi ito. Napakakinis ng balat nito at mamula-mula ang pisngi. Matangos ang ilong at mapula ang labi na para bang isang obra maestra ng magaling na pintor ang pagkakapinta ng buong mukha nito aysus ang gwapo gwapoo!!! Napalunok si Abby dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito dahil para siyang nahipnotismo ng kagwapuhan nito. She's under his spell... Para bang isa itong biyaya ng langit na ibinaba ng Diyos para sa mga kababaihan P..Perfect! natulala nalang siya sa gwapong mukha nito habang bumubuka buka ang bibig nito sa pagsasalita. As if he is explaining something. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito dahil nakatulala lang siya sa napaka-gwapong mukha nito "Hey are you listening or what?" pinitik nito ang kanyang ilong kaya para siyang binuhusan ng tubig "H..Ha A..Ano?" "Sabi ko ipapa-laundry ko nalang lahat ng nadumihan na damit mo" Tumango nalang siya. "Saan ka ba pupunta miss?" Bigla siyang nakaramdam ng hiya . She feel concious about herself. "A..Ahm diyan lang sa hopman residence" yumuko siya upang pulutin ang iba pa niyang mga damit Hinawakan niya ang kanyang maluwang na blouse sa parte ng kanyang dibdib upang hindi na siya nito mabosohan Bakit ba ako natulala sa lalakeng yun??! "Anong gagawin mo sa Hopman?" napapangiti ito dahil ginaya nito ang kanyang pagsasalita. Binigkas din nito ang hoffman sa ibang pronounciation katulad ng kanyang sinabi. Hopman imbis na 'Half man' ang tamang pronounciation ng apilyido nito "P..Pinagtatawanan mo ba ako dahil baluktot ang dila ko?" napasimangot siya. Alam niya kasing may tono ang kanyang pagsasalita "Sorry i can't help it, coz you just murdered my surname.." napapa-iling pa ito Napalunok naman siya dahil mas lalo pala itong nagiging gwapo kapag tumatawa ito. Lumalabas ang mapuputi nitong ngipin na halatang alagang alaga nito sa dentista. May biloy din ito sa kaliwang pisngi nito. "H..Ha ano? Bakit may mali ba sa hopman ha?" "Nothing." natawa nanaman ito "Pisti ka. Gwapo ka sana kaso sama ng ugali mo--" bulong niya habang pinagpatuloy niya ang pag pupulot ng kanyang mga damit Tinulungan siya nitong mag pulot "Alam kong gwapo ako. Pero hindi masama ang ugali ko. Judgemental ka ba miss?" Sinimangutan nalang niya ito at hindi na pinansin "Anyway. Sumabay kana sakin--" "A..Ayoko nga!" "Why?" "Mister ano. Hindi ho ako basta basta sumasama sa mga lalake kahit pa mukhang mayaman ka at gwapo ka. Hinding hindi ako sasama sayo. Kung balak mo akong ibudol-budol pasensya kana pero wala akong pera bente pesos nalang tong laman ng wallet ko! At kung balak mo naman akong rape-in siguradong hindi ka mag eenjoy kaya pwede ba umalis kana dahil late nako sa unang araw ng trabaho ko!" Nakangiti lang ito habang nakatitig sakanya. Para bang aliw na aliw ito sa mahaba niyang sinabi "Do i look like a rapist?" napapangiting tanong nito "A..Aba malay ko ba! Wag kang mag alala hindi kita hihingan ng pera pambayad sa laundry dahil kaya ko naman labhan lahat ng damit ko" Sa wakas napulot niya na din lahat ng kanyang mga damit. Isiniksik niya iyon sa kanyang mga bag. Nakasimangot niyang kinuha ang kanyang mga damit sa kamay nito "Akin na yan.. Salamat nalang!" Napapangiti lang ito sa sobrang sungit niya "Sumabay kana sakin---" "Ayoko nga sabi eh! Chuuuu doon kana!" tinaboy niya ito upang lumayo sakanya "Fine. See you around" tumakbo na ito papunta sa pulang kotse nito Wow sports car ang kotse Mabilis nitong pinaharurot ang kotse nito Grrrr! hindi man lang talaga ako binayaran! Binitbit niya ang kanyang mga dala dala at nag simula na siyang maglakad papunta sa mansyon ng mga hoffman. Wala pang isang minuto may dalawang security guard na nakasakay sa patrol car ang huminto sa kanyang tapat "Miss sa Hoffman ba ang punta mo?" "Oho.. Ako ho yung bagong katulong--" "Pinapasundo ka samin ni Young Master. Sumakay kana" "A..Ako po?" "Oo miss." binitbit na ng mga ito ang mga bag niya at isinakay sa patrol car ng mga ito. "S..Salamat ho"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD