CHAPTER FOUR

2051 Words
PINAG-AARALAN ni Devlin ang schedule ng training ng buong team para sa susunod na linggo, iniisip niya kung meron ba siyang dapat baguhin o idagdag. Nando'n siya sa makeshift office niya na nasa unang palapag ng dormitory. Doon siya madalas naglalagi kapag walang practice o training ang buong team, kagaya na lang ngayong araw. Nagdesisyon siya na bigyan ng day-off ang mga ito dahil napansin niya na masyado siyang naging mahigpit sa mga ito nitong nakaraang linggo. Maging sa mga reserve players, na karamihan ay pawang mga teenagers, ay naging mahigpit din siya.  Isa lang ang maituturo niyang may kasalanan kung bakit sobrang init ng ulo niya nitong mga nakalipas na araw, si Sunny. Sinabihan na niya ito na kung gusto talaga nitong makatulong sa kanila, then it's better if she doesn't do anything. Pero hindi naman ito nakinig sa kanya. Pagkatapos nitong pumunta dito sa training ground may isang linggo na rin ang nakakaraan, makailang ulit pa ulit itong bumalik.   Well, at least she listened to one thing that he said. Binago na nito ang paraan ng pananamit nito. Everytime she went here, nakasuot na lang ito ng simpleng t-shirt, shorts, at rubber shoes. Pero parang wala rin naman 'yong pinagkaiba, not with those legs that just seemed to go on forever. Sa tuwing pupunta ito ay lagi itong pinagpipyestahan ng mga miyembro ng club. Lalo lang tuloy nag-iinit ang ulo niya. Up to the point where he literally wanted to break something.  Nag-angat siya ng mukha nang bigla na lang bumukas ang pintuan. Pumasok sina Peter, Jomi at Keith. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya pagkakita sa mga ito.   "Anong ginagawa niyo dito? I thought I'd given all of you a day-off," tanong niya sa tatlo na pare-pareho nang naupo sa couch na nando'n.  "I was supposed to go with Macky and Coby today, kaya lang 'yong dalawang 'yon iniwan naman ako," sagot ni Jomi. "Kaya naisip ko na lang na guluhin ka dito."  Hindi na lang niya ito pinansin at binalingan na lang sina Peter at Keith. "And you two?"  "I've thought of some tactical defense last night, gusto ko lang malaman ang opinyon mo about it." Hindi na siya nagtaka sa sinabing 'yon ni Keith. Isa na yata kasi ito sa pinakamatalinong football player na nakilala niya. Magaling ito sa pag-iisip ng mga tactical play kaya naman he always made a point na pakinggan ang mga suhestiyon nito.   "Okay, let's talk about that later," wika niya dito.  "Ako naman, hihingi sana ako ng permiso kung pwedeng dumaan dito yung girlfriend ko," sagot naman ni Peter.  "Peter, hindi mo na kailangang humingi ng permiso. You know Jelay is always welcome here," naiiling na lang niyang wika. Kahit na mahigit isang taon na silang magkakasama, ito lang yata ang humihingi ng permiso sa kanya sa tuwing may gagawin ito na may kinalaman sa team o dito sa training ground. Ang bansag nga dito ng mga kasamahan nito ay 'Peter the Angel', because he was just too kind for his own good.   "Hey, hey, pupunta ba si Sunny ngayon dito?" biglang tanong ni Jomi. Dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ng dalaga ay bigla na lang siyang nainis.  "How the hell should I know?"   "Whoa, easy lang coach. Bakit ba palaging umiinit ang ulo mo sa tuwing nababanggit si Sunny? I mean, she seems really nice," wika nito.  "Yeah, mukha namang mabait si miss Sunny," pagsang-ayon pa ni Peter. "At saka pursigido talaga siya na tulungan tayo."  "About that, I know you don't like her but she's been really helpful this past week," wika naman ni Keith.   "Tama si Keith, dahil sa kanya nagagamit na rin namin sa wakas yung mga aircon sa kwarto. Naging malinis na rin itong dormitory. Finally, living here doesn't feel like hell anymore," dagdag pa ni Jomi.  Hindi naman niya magawang itanggi ang mga sinabi ng mga ito. Because Sunny had indeed been helpful this past week. Isa 'yon sa mga bagay na hindi talaga niya inaasahan, considering the things he heard about her. Alam niyang pati yung ibang members ng team ay nagulat din dahil sa mga pagbabago sa facilities ng training ground nila. Hindi naman kasi umaasa ang mga ito na may gagawin ang dalaga para mabago 'yon, since the last person who handled their club did a pissed poor job on doing it.  Sunny hired electricians para ayusin ang ilang linya ng kuryente sa dorm nila. Kaya ngayon, lahat ng kwarto sa lugar ay may supply na ng kuryente. She also hired a cleaning crew na maglilinis ng dorm every week, they will also do their laundry. Kaya naman ngayon, this place has been a bit more habitable kung ikukumpara sa dati. Sina Sparks at Peter lang kasi ang masipag maglinis sa kanila, kaya naman hindi maiiwasan na maging madumi talaga ang lugar.  Wala naman kasi siyang oras para asikasuhin pa 'yon. Masyado siyang abala sa pag-iisip ng mga training na makakatulong para mapalakas pa ang team nila. Hindi na sakop ng trabaho niya ang pag-aasikaso sa lugar na tinitirhan nila. Naka-focus ngayon ang utak niya sa pagpapalakas ng team. Dahil dalawang buwan mula ngayon ay magaganap ang isang practice game na maglulunsad sa kanila sa buong Asya. It's a match against a known football club in Japan.  Pahirapan pa bago niya napapayag ang mga ito, kinailangan pa niyang gamitin ang mga koneksyon niya when he was still a professional football player. Nang mapapayag na niya ang mga ito, they only have one condition, kung gusto talaga nilang makalaban ang mga ito, sila ang kailangang pumunta do'n. Hindi na siya tumanggi pa, may karapatan naman ang mga ito na humingi ng kondisyon dahil sila naman ang naghahamon sa mga ito.   That's why they have been practicing so hard these past three months. They've been practically living here para lang mas mapagtuunan nila ng pansin ang pagte-training at pagpa-practice. Because that game will either make or break them. Kahit na practice game lang 'yon, kapag nagawa nilang manalo, mabilis na makikilala ang football club nila. And they will be closer to their goal. To be known all over the world as a great football club.  "I've been really wondering kung bakit ayaw mo sa kanya," biglang wika ni Keith.   "Oo nga, she's sweet, not to mention, very beautiful."  "Shut up, Jomi. Wala 'tong kinalaman sa itsura niya. Haven't you heard anything about her? Lahat ng kamag-anak niya sinasabi that she's just a good-for-nothing princess na walang alam gawin kundi gumasta ng pera. Siguro ngayon may maganda siyang nagawa, but how about next time? Will I just sit aroud and wait for her to make a huge blunder?"  "Hindi ka dapat magsalita ng ganyan, coach. Hindi mo dapat husgahan ang isang tao dahil lang sa mga bagay na narinig mo tungkol sa kanya. That's really unfair to the other person," pagpapangaral sa kanya ni Peter.  "Wow, thank you Peter for saying that," wika ng isang tinig sa may pintuan.  Kahit hindi pa siya mag-angat ng mukha may ideya na siya kung kanino nagmula ang tinig na 'yon. When he looked up, tama nga siya, Sunny was standing beside the door. Her strawberry blond hair tied in a high ponytail, a smile on her beautiful face.   Bumaling ito sa tatlong lalaki, "Pwede bang iwan niyo muna kami nitong coach niyo? I think the two of us really need a long talk."  Agaran namang tumayo ang tatlo. "Uh-oh, I think someone's in trouble," wika ni Jomi, smirking while walking outside with Peter and Keith.  Nang makalabas na ang mga ito ay saka lang siya tumingin kay Sunny. There was a smile on her face, but her eyes were burning with underlying rage.  PILIT na pinipigilan ni Sunny ang galit nararamdaman, so she won't lash out at this guy in front of her.  Pumunta siya do'n para sana tanungin ito tungkol sa nabasa niyang file ng isang player na tinanggal nito sa main line-up ng team dati.  Pero pagdating niya do'n ay ito agad ang maririnig niya.  Agad na naglaho ang tangka niyang pagtatanong dito at napalitan lang 'yon ng matinding inis.    Ito na yata kasi ang pinaka-walang modo at pinakanakakainis na lalaking nakilala niya.  How can he think so lowly of her gayong hindi naman siya nito kilala?  Kung makapagsalita ito ay parang siya na ang pinakawalang-kwentang babae sa mundo.   Lumapit siya sa upuan na nasa tapat ng desk nito at prenteng umupo doon.  "Alam mo, napapagod na akong marinig na sinasabi mo sa iba na isa akong tanga't kalahati.  It's really so ungentlemanly.  Tapos ang rason mo lang naman kaya gano'n ang tingin mo sa 'kin ay dahil lang sa mga bagay na narinig mo mula sa mga kamag-anak ko."  Tiningnan niya ito, wala na ang ngiti sa mga labi.  "I won't tolerate it anymore so you better stop."   Mataman muna siya nitong pinagmasdan bago sumandal sa upuan nito at nagwika, "Hindi mo naman ako masisisi kung gano'n nga ang tingin ko sa 'yo, you didn't really give me any reason to think otherwise."        Mas lalo lang nag-init ang ulo niya dahil sa sinabi nito.  Tuluyan nang naputol ang huling pisi ng pasensiya niya.  "Then let me make this clear for you.  I'm not some blond bimbo.  I graduated top of my class," hindi na niya napigilang wika.  She finished her fashion design degree sa isang pamosong unibersidad sa Paris, kaya mas lalong wala itong karapatan na isipin na tatanga-tanga siya.  "Kung wala man akong ginagawa para baguhin ang opinyon mo sa 'kin, that's because I don't give a s**t about what you think about me.  Ngayon ito ang tandaan mo, hindi ko hahayaan na pakialaman mo ang trabaho ko bilang bagong namamahala nitong club dahil lang sa hindi mo ako gusto.  Kaya mag-ingat-ingat ka.  Baka kasi mamaya, mapuno na lang ako bigla sa 'yo at magdesisyon ako na sisantehin ka."   Ang iniisip niya ay magagalit ito, pero sa halip, napuno pa ng amusement ang mga mata nito.  As if she just told him the funniest joke in the world.  Ngali-ngali na niyang sakmalin ito at sakalin.    "Tinatakot mo ba 'ko?" tanong nito.  "Oo, kaya dapat lang na matakot ka."   Tumayo na siya at naglakad patungo sa pintuan. Akma na niya 'yong bubuksan nang bigla na lang itong magsalita, "Wait."   Lumingon siya at nakita na naglalakad na ito palapit sa kanya.  "Ano pa bang kailangan mo?" paangil niyang tanong dito.   Huminto ito sa harapan niya.  "You should've shown this side of you sooner."  Inabot nito ang ponytail niya at nilaro-laro 'yon sa kamay nito.  "Hindi naman sa hindi kita gusto, I just don't like fake girls and that's how I saw you.  Pero mukhang nagkamali ako.  You might turn out to be quite interesting."   Akala niya ay hihingi ito ng tawad sa kanya, but no, sa halip ay kung anu-ano lang ang pinagsasasabi nito.  She can't think of any snarky remark dahil masyado siyang aware sa kamay nitong nilalaro ang buhok niya.  Balak na sana niyang tabigin ang kamay nito nang bigla na lang bumukas ang pintuan sa likudan niya.  Dahil halos nakasandal na siya sa pinto, tumama 'yon sa likod niya.   Nawalan siya ng balanse, at dahil malapit lang sa kanya si Devlin, agad siyang napakapit dito.  Ang problema, nawalan din ito ng balanse at sabay silang bumagsak sa sahig.  Mabilis naman nitong naipulupot ang braso sa beywang niya.  Napapikit siya at naramdaman na lang niya ang katawan na bumagsak sa ibabaw ng katawan nito.  And she felt something else.  Like there was something soft touching her lips.   Mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawa niyang pagmulat.  Her lips was indeed touching something.  At 'yon ay ang mga labi ni Devlin.  Biglang nanigas ang buong katawan niya.  Her mind just went blank at that moment.  All she could feel was the touch of her lips against hers.   "Ah, are we interrupting something?"   Ang tinig na 'yon ang gumising sa kanya mula sa kanyang trance.  Dali-dali siyang tumayo at humarap sa pintuan.  Nakita niyang nakatayo doon sina Macky at Coby.  Both were looking at them suspiciously.  Hindi na niya hinintay na magsalita ang mga ito, agad na siyang tumakbo palabas.  Habang tumatakbo ay doon lang tuluyang nagsink-in sa kanya ang mga nangyari.  Napahinto siya sa pagtakbo, bumigay ang tuhod niya at tuluyan nang napaupo.  Natutop niya ang labi.   She and Devlin kissed.  They freaking kissed! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD