PROLOGUE/ CHAPTER 1

3262 Words
My head was in pain when i woke up and worst i can't move, i can't just turn around. Parang may isang bagay na pumipigil sakin umikot at tumagilid ng higa... And suddenly i felt someone moving besides me at dun ako biglang napadilat.. " Oh my God! At bigla ko na lang din tinakpan ang bibig ko, dahil may katabi ako at nakaakap sa bewang ko. And worst parehas kaming walang saplot sa katawan. Dahan dahan kong inalis ang braso niya sa bewang ko iniingatan kong hindi siya magising dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pag nagkataon.." Nang maalis ko ang braso niya ay mabilis akong tumayo bit i feel pàin down on my private part and even on my body. But i need to get out of here as fast as i can.. Diko akalaing ang panaginip ko ay totoo pala. "Diyos ko please guide me na makaalis dito na hindi siya nagigising.. Nang makapagbihis ako ay mabilis ko nang hinanap ang mga gamit ko at dahan dahang lumabas ng kwartong yun........ And trying to forget and erase that one night with that unknown man in my life... CHAPTER 1 " Hoy CL alalahanin mo first day of school ngayon anong oras na nasan ka na ba"?.. " wikang pambungad ni Aya sa akin pagsagot na pagsagot ko pa lang sa phone, ni hi! Or hello wala man lang sabi. Its first day of school and as usual we need to get up early again coz the vacation was over. Parang ang bilis naman kase ng araw parang kakaumpisa pa lang ng bakasyon tapos eto start na agad ang pasukan. Kung bakit ba kase kakatamad gumising sa umaga lagi. " Ouch...Ano ba Aya pwede namang hello! Muna ang pambungad na salita diba...daig mo pa si mama kung Makasigaw sa phone grabe 9 o clock pa start ng klase ko girl h..e...l..l..o" " 9 pa! sigurado ka ba dyan CL ha! anong oras na for god sake CL 8 'o clock na sister natutulog ka pa!".. "OA much grabe! parang ang layo ko sa school nandito na po ako sa dorm hello..ang lapit lapit ko lang po sa room". ....Ay Naku si Aya up to now alarm clock ko pa din. Mabuti na lang nandito na ako sa dorm kahapon pa, mabutit naisipan kong unuwi kahapon dito kung nagkataon late ako sa first day ng klase. Ako nga pala si Candiece Louise Pamilar. CL for short. I'm 18 years old graduating Student ng St. Harold University..Taking up BS Accountancy. I'm the youngest in my three siblings. candy talaga ang nickname ko kaso ang mga brats kong friendship, pinalitan ang nickname ko Kaya naging CL.... Mas sosyal daw pakinggan ang CL compare sa candy. Kilala kami sa buong campus or lets say popular kami sa school, dahil na rin siguro ako ang cheerleader sa St Harold campus. kaya kilalang kilala ako sa buong University. And being a leader makes me popular and got many enemy as well dahil may pagka strict ako sa group at pagpili ng members. Kaya di malayong marami talaga ang mga bashers ko. And aside from that madalas din akong masali sa mga contest sa school even beauty contest like campus princes amd princesses. Na hindi ko naman ginusto sumali talaga dahil wala akong hilig sa mga beauty contest na yan. Nagugulat na lang ako talaga kapag sinasabihan ako ng teacher namin na ako ang representative ng department namin. Actually isa sa mga nakalaban ko sa pagiging campus princess ay yang si Aya. maganda si Aya at mas matangkad pa sakin, habulin ng boys din. Malapit  si Aya sa boys at palakaibigan na din kaya madalas napagkakamalan siyang playgirl at may gusto sa bawat lalaking nakakausap niya. Namimiss interpret tuloy siya madalas ng lahat. Kami ng nga kaibigan niya lang talaga ang nakakakilala ng tunay niyang ugali. Lamang lang ako sa puti kay Aya at may natural na brown and curly long hair ko. Unlike kay Aya na madalas mag pa dye ng hair para lang kumulay ang hair niya. Natural ang pagiging kulot ko na madalas na kinaiinggitan ng mga friendship ko. Which i doubt na maganda talaga kaya mas madalas ko ipa rebond kase mas gusto ko ang straight hair. Madalas kaming magkatunggali sa mga beauty contest pero para sa Amin ay laro laman ito. Hindi namin siniseryoso kung sino ang manàlo at matalo sa mga contest. Basta may pustahan lang kami na kunh sino ang matalo ay manlilibre ng lunch at dinner for 1 year sa aming tatlo. Naging campus Princess ako for 3 consecutive years...and yes simula pa nung freshman ako. At 3 years na rin akong na kakaipon ng malaki dahil nakakatipid ako. Sa aming tatlo si Aya ang pinakamadaldal at maingay talaga. At dahil na din sa kaingayan ni Aya. buti na lang naka abot ako sa first subject ko. Minsan talaga mapapasalamatan ko din ang pagiging maingay at makulit ni Aya e. Kaso naman minsan grabe tong mga kaibigan ko gigisingin nga ako, Ang problema naman ayaw tumigil ka dadada sa telepono pano naman ako makakakilos ng mabilis Nyan. Buti na lang halos sabay kami ni prof. Martin terror pa naman tong teacher nato ayaw na ayaw nyang may nale late sa klase niya. At naging maganda ang result ng unang araw ko sa klase niya. " Guys alam nyo ba classmate ko si Kyle at Jenna! Sa philosophy And take note grabe ang PDA nakakaasar wala man lang mga hiya.." banat agad ni JM pagkaupong kaupo pa lang dito sa canteen....Si Kyle na ex ko na hiniwalayan ko masyado kasing pervert.....wla pa sa isip ko ang mga bagay na gusto nyang mangyari.... " hayaan mo lang sya girl pinapakita nya lang sayo para maparating mo Kay CL yung message nya...." Inis na sabi ni Aya.. " anong message?" "Hello earth! Ano ka ba JM sa ganda mong yan hindi ko maintindihan kung sang planeta ka galing di ko maintindihan kung bakit ka naging Deans lister naturingang mag dodoktor ka pa sa lagay na yan ha!..." pang aasar na wika ni Aya na pinanlakihan pa ng mata si JM. Dahil talaga naman minsan mahina pumick up tong si JM kaya madalas inaasar ni aya. Minsan nga pag nagjojoke ang isa sa amin or ang professor namin, kung ang lahat ay nagtatawanan na tanging si JM lang ang hindi kase hindi pa nag sisink in sa utak niya ang ibig ipahiwatig sa joke na yun. Then once na maconnect na sa utak niya naajoke lang pala yun saka lang siya tatawa kaya ang nang yayari sumasakit na ang tiyan ko kaka tawa sa kanya. "Ang ibig sabihin nun JM para masabi mo sakin at maparating mo na kaya niya akong palitan at di ako kawalan sa kanya. And also alam ni Kyle na sasabihin mo sa kain ang nakita mo para siyempre malaman niya magiging reaksiyon ko." " Hi girls!....." "And speaking of the devil here he comes." .....wika ni Aya sabay kunot ng noo pagkakita kay Kyle. Kyle mike Jaycee monteverde isang heartthrob ng school at captain ball ng basketball team sa school namin. And as usual number one heart throb ng university dahil sa galing niya sa basketball. He's my ex actually and my first boyfriend. Minahal ko naman si Kyle. Sinagot ko siya dahil na rin sa pambubuyo nitong dalawa e. Lalo na is Aya. And besides Kyle is one of the sweetest person ive met. Yun lang talaga masyado siyang seloso at mahigpit ng wala sa lugar. At higit sa lahat may isang bagya na pinagtalunan namin that time nang matindi ma nauwi sa hiwalayan. " hi Kyle "....sabi ni JM sa kaplastikang ngiti "Hello guys"...Pwede ko bang hiramin muna si CL for a while?"....wika ni Kyle sabay tingin sa akin. " sure basta ba ibabalik mo sya ng buong buo" ...mapauyam na sabi ni Aya...talagang pinahahalata nyang ayaw nya Kay Kyle. Kung dati masyadong mabait si Ata kay Kyle dahil at first talagang siya ang may crush dito. Ang kaso sakin nanligaw si Kyle for 2 years. " Ano bang pag uusapan natin...banat ko agad Kay Kyle pag pasok namin sa kotse niya."..ayoko na sanang makipag usap pa sa kanya hindi dahil nagseselos ako at galit sa kanya, kundi dahil bilang respeto na din sa bago niyang Girlfriend. Kilala ko ang new girl niya, maganda din ito at mayaman. Ayoko lang magkaron ng any complications and misunderstanding about us. Tanggap kona na wala na kami. Sabi nga ni Aya malamang hindi love ang nararamdaman ko for Kyle kase ang bilis ko makapag move on. One month pa lang magmula ng mag break kami tapos parang walang nangyari. Ewan ko din bakit ganun. Na mimiss ko siya minsan ang pag cacare niya sakin ang pagpapadala ng food sa practice at sa library everytime na nandun ako at nagreresearch. Lagi siyang nag aantay sakin kahit anong oras ako makauwi sa bahay hindi pwedeng hindi niya ako ihatid bago siya umuwi. Kahit wala siyang klase talagang ang uubos siya ng oras sa school or minsan pupunta lang ng school yan para ihatid ako sa bahay. Hindi ko lang talaga gusto ang pagiging seloso at pagpupumilit niyang pumunta kami sa condo niya. Ilang beses na din kase niya akong pinipilit sa bagay na yun. Just for security lang daw na talagang kanya lang ako. Which is napakababaw na dahilan for me. Kilala ko sa pagiging playboy ni kyle at tanggap ko yun bilang siya. Kase nakilala ko na siya sa pagiging hearth throb at crush ng bayan ika nga kaya hindi ako nagseselos kung may mga girls mang lumapit sa kanya. Which is one of the reasons that he was asking on me. Bakit parang hindi daw ako nagseselos kaya daw nag dodoubt siya kung talagang mahal ko siya na kesyo baka daw may pinaglalaanan akong ibang lalaki sa virginity ko kaya ganun na lang ang tanggi ko everytime he ask me to. At nang araw na yun kami nag away ng husto dahil pinilit niya talaga na may mangyari sa amin at nagalit ako ng husto dahil halos halayin na niya ako nun sa  kotse niya. Kaya ng araw na yun ay nakipag hiwalay agad ako sa kanya pagkauwing pagka uwi ko. Sa phone lang ako nakipag break sa kanya. Through text pa. Ni hindi man lang siya tumawag or mag reply regarding sa text ko though nakita kong nabasa niya ang message ko. At malaman laman ko na lang after 3 days ng walang communications ay may bago na siyang girlfriend. Ganun siya kabilis magpalit ng girlfriend. At kung di dahil na rin sa kanya hindi mangyayari ang bagay na yun sakin. Hindi sana ako pupunta sa okasyon na yun. Aishhhh..ayoko ng isipin pa ang pangyayaring yun. " please! CL give me one more chance, hindi ko naman gusto si Jenna sya ang ayaw umalis sa tabi ko at parang sawang laging naka dikit kahit saan ako pumunta...ikaw ang mahal ko please! miss na miss na kita...." Pag mamakaawang sabi ni kyle sakin. Laki din ng pinayat ni Kyle magmula ng huli kaming magkita. "Are you out of your mind Kyle? Alam moba yang sinasabi mo? Mahal? Hahaha...malaki na talaga ang tama mo, nakalimutan mona bang may girlfriend ka na? Ito nga lang pagpayag kong mag usap tayo sa car mo malaking issue nato e. Alam kong may nakakita na sa atin at baka makarating nato kay Jenna. Mahalin mo si Jenna Kyle and I know Jenna loves you too. Yung sa atin Kyle tapos na. Okay. Sumama lang ako at pumayag makipag usap today because O want a formality on our break up. In order for us to move on. ..."... "Please CL I love you mag babago nako please. Hindi nako mangungulit sa bagay na yun. Irerespeto kita. Makikipaghiwalay ako kay Jenna." " your insane for god sake Kyle! Makikipag hiwalay? Iniisip moba yang mga sinasabi mo ha? Alam mo namang mahal na mahal ka nung tao tapos hihiwalayan mo? Ng ganun ganun lang kase naisip mo na mahal mo pa pala ako? Ayusin mo yang buhay mo Kyle. Grown up! Huwag mong paglaruan ang feelings ng mga babaeng nagkakagusto sayo." Sabay labas ko na din ng sasakayn niya, first day of school pinaiinit ni Kyle ang araw ko. Parang ganun lang kadali ang lahat, pag ayaw niya break agad. Hahanap ng iba tapos pag di niya nagustuhan ulit babalikan niya ako? Ano siya sinisuwerte? Kundi dahil sa kanya hindi sana mawawala ang virginity ko sa strange man na yun e. Kundi lang dahil talagang gusto ko palamigin ang utak ko hindi mangyayari ang bagay na yun ng araw yun...... FLASHBACK------ " girls may lakad ba kayo this coming Saturday..? ". Tanong ni Aya. Nagpunta kase si Aya at JM sa bahay ng di oras dahil hindi ako sumasagot sa mga calls and text nila. I need a space and id really dont want to be disturb by others sa mga oras na yun. Naka focus ako sa panonood ko sa Netflix dahil sa isang korean series na pinapanood ko. Masyado akong nagandahan sa story ng princess hours kaya nilagay ko sa silent mode ang phone ko. Diko na nga naisip ang Kyle na yun e, kaya ang akala nung dalawa si kyle ang problema ko. Sa aming tatlo itong si Aya ang party goer...as in walang pinaliligtas na social party tong si Aya. Kaya maraming kilalang tao na din to e at follower sa sss at IG. " pass muna ako dyan alam mo namang wla akong hilig sa party..."..wika ko sabay panood ulit sa TV " KJ mo naman CL kahit ngayon lang sige na daming papa bols at take note mga bachelors hindi lang bachelors sister mga bigatin to at grabe ang gwa-gwapo! ...." " exag. much lang ate. sa parting gusto mong puntahan sigurado akong mag gegate crush na nman tayo no ? Wika ni JM kay Aya.. " epal ka no.." sabay kurot ni Aya kay JM " aray naman"..wika ni JM napansin kong nagtinginan ang dalawa. "wait gusto mong sumama kami sa party na yan tapos di naman pala tayo invited.?"..wika ko kay Aya "sira mga ka associate sila ng daddy ko pero sabi ni daddy pwede din nman daw tayo pumunta sige na CL, pampaalis na din ng stress girl. Sige na samahan niyo nako, mabobored lang ako dun wala akong kausap dahil busy na sila papa at mama." Paliwanag ni Aya. "Whaaaattt? Akala ko ba mga papa bols at hunk yang mga guys na pupunta sa party na yun e puro Sugar dady naman ata ang hanap mo sis" ....tatawa tawang sagot ni JM Kay Aya.... "Sisters hindi porket ka associate ng daddy ko ang pupunta e puro oldies na yung nandon...sister karamihan ng bisita dun puro hunks at sa pagkakabit alam ko ang mga age nila nasa 28 or 29 pataas e..mga batangas entrepreneur ang mga friends ni daddy. Okay pa din naman sila kahit malaki agwat ng idad sa atin. And besides hindi naman halata sa itsura nila ang idad nila e..sige na girls samahan niyo nako pleaseeee..."...pagmamakawang wika ni aya sa amin ni JM "Sama na tayo sis minsan lang naman to and besides next month pasukan na din, magiging busy na din tayo dahil graduating na tayo,  maybe it's time to move on malay mo dun makita ang future mo! ".........Pakindat kindat pang sabi ni JM sakin. Alam ko namang gusto lang nila ako maglibang dahil nga nabalitaan din nila na may bago na si Kyle at inakala ng dalawa na brokenhearted ako.. Wala nakong nagawa dahil ipinaalam nila ako sa daddy ko that time. At dun na ako matutulog sa bahay ni aya. " ano girls ready na ba kayo, hay buti naman kumpleto tayo girls...dito pwede natin itago ang Tunay nating edad ha tutal hindi naman tayo mukang 20 lang Diba Ito lang si CL ang problema Natin. Dahil 18 palang to kapalan na lang natin make up mo ha sis masyado kasing baby yang face mo." Halos may mga idad na nga talaga ang mga nasa party, ni walang kasing idad namin ang nandun. Buti na lang matatangkad kami kayasi halatang menor de edad pa. Pinayagan kami ng papa ni Aya uminom ng alak pero yung hindi hard at limit lang. Pero diko na nakontrol yung pag inom ko. Masyado akong natuwa at nasarapan sa lasa ng mga wine na sineserve nila. Kaya medyo tipsy nako at diko na matandaan yung daan papunta kung saan na sila Aya. Wow ganto pala ang party, first time ko kasi hehehe..kaya parang ignorante lang ang Lola. Naupo muna ako malapit sa may fountain, masarap kase ang hangin dito saka natutuwa ako sa mga lalakeng mukhang nagkakatuwaan. Bigla ko tuloy na miss ang mga kuya ko, nasa ibang bansa na kase ang mga kuya ko at dun na nagsipagtrabho. Grabe sakit ng ulo ko agad medyo tipsy nako at nagging madaldal...ganto ba epekto ng Alak sa first Timer. Parang kakaiba yung nainom ko na binigay ng waiter kanina a. Matapang ata yun masyado mapait e. At di nga nagtagal nag simula ng mag ingay ang crowd sa loob naging parang disco na ang tema ng party, Hay naku! naging madaldal nako at parang ang init init na ng pakiramdam ko... At naagaw ng pansin ko ang mga lalaking nagtatawanan at asaran parang kami lang nila Aya kung mag asaran. Napansin kong walang tulak kabigin sa mga itsura nila. Sila yung mga bachelors na sinasabi ni Aya. Pinakilala sila kanina ng papa ni aya sa speech nito bago magsimula ang party. sadyang hilo na lang talaga ako. At di ko na hinanap ang mga kaibigan ko, hindi ko na namalayan na masyado na akong naeng ganyo makinig sa usapan nila. " kamusta bro grabe number one bachelor hunk businessman ka na naman...Nasa front page ka na naman ng men's magazine...Mr. Xyriel Zach Montefalcon number one hottest man...." " Manahimik ka nga Juan Miguel....Alam mong ayoko ngang nalalagay sa magazine or newspaper ang name ko e...nawawalan ako ng privacy... " " privacy ba hanap mo sabihin mo ayaw mo lang malaman ng buong mundo na si Xyriel Montefalcon ang tunay mong idad...tumatanda ka na tol! Hahahah. Sayang ang lahi mo kung di kapa mag aasawa!" "Mga sira ulo talaga kayo ,kahit anong oras kung gugustuhin ko lang pwede akong mag asawa mga baliw......." "Pare madami ka na atang na iinom" ikaw mag aasawa ! Wala sa bokabularyo mo yan Diba. Marami ka ng na iinom kaya ititigil mo na yan...halika na umuwe na tayo at maaga pa tayong bibiyahe bukas..." " oo nga pala san ba ang business trip nyo bukas naturopathic na ba ang merging nyo ng CL Airlines?" " hindi pa nga Aaron kaya yun ang pag uusapan namin bukas.." " O pare kamusta matagal tagal na rin tayong di nagkita ah! Ano na may asawa ka na ba?" " O eto pala si Judge Ramiro e eksakto gusto ng mag asawa ni Xyriel hahahah" "Pasaway ka talaga Migue ha..." " Anong pasaway , Diba narinig nyo kanina sabi ni Xyriel kahit sino kahit ngayon pwede syang mag asawa Diba diba" mga lasing na din sila kaya pùro asaran na ang ginagawa nila dun sa taong tinatawag nilang Xyriel. Mga lasing na talaga ang magkakaibigan at business partners... Pinagtutulungan na nila si Xyriel dahil si Xyriel na lang ang nag iisang binata at walang sabit sa grupo nila. "Ganun ba e di sige go Ikasal na  natin tamang tama kasama ko ang secretary ko asan ba ang bride.?" " Wait lang Judge nasa tabi tabi lang si Bride e..hahahaha..naliligaw pa" ..sabay tawanan ng mga lalaki " ayun na pala si bride o.." narinig kong wika nung isang lalaki pero nagulat ako ng parang lahat sila nakatingin sa akin. Kaya ginawa ko tumingin din ako sa likod ko. Diko naman kase akalain na napalapit pala ako sa kanila kase nakakatuwa ang tawanan nila parang ang saya saya nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD