"Your mom is dead..." Paulit-ulit na nag-e-echo sa isipan ko. "No, please tell me you're joking..." Mahinang anas ko kay Daddy. Halos hindi lumalabas ang mga katagang iyon sa bibig ko. "What did you told her!" Galit nitong tanong sa akin na mahahalata sa boses ang pang-aakusa na tila ba sinisisi ako sa pagkamatay ni Mommy. "May sakit siya sa puso Heather! After your conversation 2 days ago ay inatake siya hanggang sa hindi na ma-revive! What did you do?" Paninisi ni Daddy sa akin na ikinatigas ng buong katawan ko. Why she didn't tell me? Why! Kung alam ko lang, hindi na sana ako nagsalita pa. Bakit niya inilihim sa akin? Impit akong napaiyak, napahawak ako sa dibdib ko. Gusto kong sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman ko! Ang nag-iisang taong pinaghuhugutan ko ng lakas ay wala na.

