Decissions✓ "I don't know what's killing me more; talking to you or not talking to you." ? Marcus POV Damn it! Mainit ang ulo kong napasalampak sa swivel chair. Nasa office ako ngayon, gusto kong magwala pagkatapos kong basahin ang report na binigay sa akin ng investigators tungkol sa mga taong involved sa nangyari kay Heather, 6 years ago. Binigyan ko siya ng space at oras na mapag-isa, after that painful night of revelations. Wala pa akong lakas ng loob na makaharap siya o makausap dahil sa mga natuklasan ko. But it's killing me not to see her and talk to her. Kaya kapag gabing-gabi na at alam kong tulog na tulog na siya ay palihim akong pumupuslit sa kuwarto kung saan siya natutulog para masilayan ko siya. And it hurts just looking at her sleeping peacefully and i miss her so much

