Celine's POV Matapos naming mag-usap, nagpaiwan ako sa loob ng opisina. Hinalughog ko ang lahat ng gamit ko. "Nasa'n na ba 'yun?" tanong ko sa sarili habang binubuksan isa-isa ang drawer at cabinet ko. Pumapaso na ako sa loob ng opisina habang inaalala kung saan ko nailagay ang kapiraso ng papel na binigay sa akin ni Josh bago ako napunta sa kasalukuyan. Sa dami ng nangyari na halos makalimutan ko na si Bulan at ang misyon ko, hindi ko na matandaan kung saan ko inilagay ang papel. Napakaliit pa naman no'n. "Ano ba 'yung sinuot ko no'ng dinala ko ang papel na 'yun kay Lorraine?" Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala. Agad akong tumakbo at lumabas ng opisina. Dumiretso ako sa kwarto ko at hinalughog ang mga damit ko. Sana hindi pa nilabhan ng mga maid ang coat ko... Napakagat-labi a

