Chapter 49

2158 Words

Celine's POV "I'm giving up on you... Let's file an annulment..." Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Matapos ang pag-uusap namin ni Curt, wala na akong alam sa nangyayari sa paligid ko. Basta, ang inisip ko na lang ay ang makaalis doon at magkaroon ng peaceful solitude. Nagpunta ako sa harap ng dalampasigan at iniyak ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit. Gusto kong tanungin si Curt kung bakit bigla siyang nagdesisyon nang gano'n pero wala na akong lakas pala itanong sa kanya ang mga 'yun. Wala akong karapatan na tanungin siya dahil sa umpisa pa lang, ako ang may gusto na tulungan si Josh. Ako ang pumayag sa ganitong set-up. Wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko dahil pinabayaan ko ang relationship namin ni Curt para lang maalagaan si Josh.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD