Celine's POV
Walang kagana-ganang pumasok ako sa convenience store nang 12:45 PM. Busy ang ibang kasamahan ko sa paglilipat ng frozen goods sa walk-in freezer namin habang si Josh ay abala sa pag-asikaso sa customer sa kanyang POS. Siya kasi ang kapalitan ko sa cashier shift ngayong araw. That means maaga siyang makakauwi.
"Ayun! Sa wakas dumating ka na. Humingi ka na ng fund do'n at palitan mo na 'ko rito," bungad sa akin ni Josh.
Napairap naman ako sa kanya. "Ala-una pa 'ko. 'Wag kang ano d'yan!"
Tumawa siya at nilagay ang likod ng kamay sa kanyang bibig. "Ah. Sabi nga pala ni Sir Fred may Team Building sa Lunes. Sabihin ko raw sa'yo kasi ikaw representative sa Region III," dagdag imporma niya.
"Hindi siya Team Building ng store? Kundi ng buong company?" Nanlaki ang mga mata ko. Iyon kasi ang unang beses na narinig ko na may gano'n pala sa company, or nangyari na ba 'to dati?
Nagkibit-balikat naman siya. "'Yun sabi ni Sir, e. Pero may sarili raw tayong outing sa December 18. Magsasara tayo no'n."
"T-teka, ba't ako lang isasama sa National? Ayoko. Natatakot akong lumuwas ng Bulacan!"
"Ayaw mo no'n? Baka mas may magandang opportunity na naghihintay sa'yo ro'n."
May point ang sinabi niya. Teka... kung maalala ko, may national team building din talagang naganap noon. Doon ay nagpangita kami ni Curt. Doon na nagsimula ang paglapit niya sa akin.
Napabuntonghininga ako. Sasama ba ako? Pero ayoko muna siyang makita. Natatakot ako sa mga desisyon kong gagawin. Pakiramdam ko masasaktan na naman ako kung hahayaan kong magpang-abot ang mga landas namin.
Paano kung nando'n ang kailangan mong hanapin para makabalik ka na sa kasalukuyan? You will miss the chance of going back, sabi ng isang bahagi ng utak ko.
***
December 9, 2017
Dumating na ang araw ng National Team Building Day. Hinatid kami ni Sir Fred sa Manila para doon ganapin ang Team Building.
One Palm Beach Resort ang destinasyon. Hindi gaanong kamangha-mangha ang paligid pero mainam na sa exclusive na gathering. It's literally a resort with minimal palm trees in sight. It looked boring to me, with its white themed surroundings and a very simple design inside the vicinity. Malagkit sa balat ang hangin at naririnig ang ingay ng mga sasakyan mula sa labas ng resort.
The place is in white motif but the pool is fine.
Pina-check-in muna ang mga babae at lalaki sa kani-kanilang kwarto.
Lima kaming babae ang maghahati sa iisang unit. Napansin kong puro maleta ang dala-dala ng ibang crew sa ibang lugar. Wala ni isa sa amin ang magkakakilala except lang sa mga mabilis nagkaroon ng kaibigan habang nasa byahe pa lang. Wala akong ibang dinala kundi isang backpack na may laman na apat na pares ng damit, towel at iba pang personal hygiene kit.
Nakatapat lang ako sa CR at nagdadalawang-isip kung papasok na ba ako o hihintayin munang matapos ang iba at lumabas. May tendency talaga akong maging aloof sa iba lalo na kapag hindi ko talaga ginusto ang sumama.
"Gagamit ka ba ng CR?" tanong ng bagong dating. Isang babae na medyo maliit at blonde ang buhok.
"Ah, hindi pa. Pwede kang mauna," paunlak ko naman.
"Sige, thank you. By the way, I'm Sandy. Anong name mo?"
"Celine," matipid kong sagot.
Napatango na lang ang una at nagpaalam nang gagamit ng CR.
Napakagat-labi ako at saka naghanap ng kwarto na mahihigaan. Nang mapansin na halos okupado na ang lahat ay bumalik ako sa sala.
Timing na kalalabas lang ni Sandy sa CR at nakita ulit ako. "Oh, wala ka pa bang pwesto? Tamang-tama. Wala akong kasalo sa kwarto. Pwede ka do'n."
"T-talaga?"
"Yup. Halika..." Hinila niya ako sa isang kwarto sa tapat ng kitchen sink. Nang buksan niya iyon ay bakante nga ito at wala pang tao. Naroon na ang ilang gamit ni Sandy.
Pumasok na ako at inilibot ang mga mata sa paligid. Amoy na amoy ko ang bagong barnis na kahoy sa loob. Naka-varnish ang study table at cabinets, pati ang upuan doon. Ang bed frame naman at pinintahan ng puti maging ang pader at kisame.
Hindi ako gaanong nagandahan sa lugar. Siguro ay dahil nasanay na ako sa magagandang hotels and resorts na pagmamay-ari ng Trece kaya mas tumaas nang kaunti ang standards ko sa ganoong bagay.
"Ilagay mo na lang ang bag mo sa cabinet. May bakanteng drawer d'yan sa loob," imporma ni Sandy.
Ngumiti ako sa kanya. "Salamat."
"Mauna na muna ako sa'yo, be." Hinagis niya sa akin ang susi at awtomatiko ko naman iyong nasalo. "Ikaw na bahala rito. 'Nga pala... may assembly mamaya sa swimming pool. Doon na ang lunch. Our President will be there kaya you should wear proper swimwear. Okay?"
Napanganga ako nang maalalang wala akong dinalang swimwear. Sa totoo lang, ang baduy kong tao 3 years ago. Halos wala akong makitang sexy na damit sa dati kong mga gamit. Napakagat-labi ako at napangiwi.
"Hindi ka ba nila in-inform?"
Umiling ako. "Pwede bang dito na lang ako?"
"No! Mapapagalitan ka ni Sir. Bawal magpaiwan."
"Wala kasi akong swimwear, e."
Natawa naman si Sandy sa sinabi ko at agad na pumunta sa cabinet para maghalungkat. "Here. Try this." Hinagis niya sa akin ang isang damit.
Nang tingnan ko iyon ay nanlaki ang mga mata ko. Two-piece swim suit iyon na kulay black and red.
"Bagay sa'yo ang kulay since maputi ka naman. Come on. Try mo na 'yan. Hihintayin kita makapagpalit then sabay na tayong bumaba."
Napangiti ako kay Sandy at nagpasalamat bago lumabas at pumasok sa CR.
***
Nakalabas na kami ni Sandy. Nakakahiya man ay nagpatuloy na kami sa paglapit sa mesa na hinanda nila sa may gilid ng pool.
Nakasuot ako ngayon ng manipis na big T-shirt at short. Nakapanloob ang pinahiram sa akin ni Sandy na swim suit.
Ang iba sa amin ay nagsiligo na habang ang iba ay kumakain na. Sinabi kasi ng officiating managers na matatagalan ang President na makarating dahil may business meeting pa itong pinuntahan.
Inabala ko ang sarili sa pagkain ng mga hinanda nila roon.
"Celine. May games daw. Sali tayo!" sigaw ni Sandy sa akin. Hindi pa man ako natatapos sa pagkain ay hinila na niya ako at nilagay lang sa mesa ang plato ko.
Sa unang laro, magka-team kami ni Sandy. Kailangan lang namin ipasa ang lama ng tubig sa cup na manggagaling sa uluhan namin. Dapat paramihan ng tubig na maitatawid sa last member ng team.
At dahil competitive ako, sineryoso ko ang laban. Nanalo ang team namin.
Ang siste naman ay kung pasok ang team namin sa games, it means kaming buong team lang ang maglalaro sa next game. Hinati ulit kami sa dalawang group at naglaro ng Pinoy Henyo. As usual, my team won. Madali lang kasi ang mga huhulaan. Halos kabisado ko na ang pasikot-sikot sa company. It was like all of these things were replayed on my mind. Kaya ko siguro ito naalala dahil ito ang isa sa pinaka-memorable na tagpo sa buhay ko 3 years ago.
Sa third game, isa lang ang mananalo. Lima na lang kami. Ang game ay pabilisan ang paglangoy limang beses na pabalik-balik.
Mas natuwa ako sa huling game dahil sanay ako sa languyan. Lumaki ako na na-train ng mga magulang ko sa paglangoy, maliit pa lang ako. Noon kasi ay nakatira kami sa malapit sa dagat kaya sanay na sanay ako sa languyan.
Nang hudyat na ng paglangoy at sinimulan ko nang sumisid sa ilalim ng pool.
Noong highschool ako ay athlete ako sa aming school. Ako ang pambato nila sa swimming competitions kaya maning-mani sa akin ang paglangoy.
Nakaapat na akong balik sa course at napapansin kong nakakadalawang balik pa lang ang iba. Sa huli kong paglangoy ay mas lalo kong binilisan, hanggang sa makaabot ako sa finish line.
Marami ang naghiyawan nang umahon ako at sinalubong ako ng towel at isang sash na nakalagay na Best Swimmer.
"Congratulations, Miss Celine Torres! As your prize, please receive your Php 5,000 and gift checks from 3F Store. Plus, may surprise interview ka with our President."
Narinig ko ang masigabong palakpakan ng mga kasamahan ko.
***
Kinagabihan, pagkatapos naming mag-dinner, lumayo muna ako saglit sa karamihan at pumunta sa may bakanteng pool kung saan walang tao. Hinubad ko ang malaki kong T-shirt at shorts. Ang natira na lang ay ang two-piece swim suit na suot ko.
Agad akong nag-dive sa pool at ilang beses nagpabalik-balik sa magkabilang dulo.
Nang lulusong na sana ako ulit ay may nakita akong tao na lumusong din sa pool at lumangoy papalapit sa akin.
"Hi. Ngayon lang kita nalapitan. 3F Store cashier?" panimula ng lalaki na ngayon ay malapit na sa akin.
Medyo kinabahan ako sa paglapit niya pero nang mamukhaan ko siya na isa sa officiating managers ng 3F ay nabawasan iyon.
Tumango naman ako bilang tugon.
Hindi pa nakuntento ang lalaki at mas lalo pang lumapit sa akin. Doon ko naamoy ang alak sa kanya. Nakainom siya at mukhang natamaan na.
"So, by the way I'm--" Hindi na niya natuloy ang sinasabi nang may isang tao ang biglang sumulpot at sinuntok ang lalaki sa mukha.
Bahagya akong napakislot sa gulat at napasigaw. Ramdam na ramdam ko tuloy ang lamig na hatid ng pool at hangin.
Halos walang nakatingin sa gawi namin ngayon. Ang ibang kasama ko ay nagsibalik na sa unit at naghahanda na sa pagtulog. Habang ang huling dumating ay malakas na sinasapak ang officiating manager sa may tiles. Hindi ko napansin na nakaahon na pala sila.
Wala na ring malay ang lasing na manager kaya agad na lumapit ang ibang empleyado ng One Palm para ihatid ang manager sa clinic. Mukhang napuruhan yata sa suntok. Hindi na naawat ng mga iyon ang sumuntok. Kusa lang itong napatigil na tila takot ang mga tao sa paligid namin sa taong bagong dating.
"Sorry, you'd have to see that. Are you okay?" Iyon ang bungad na tanong ni Curt sa akin. Nasa pool pa rin ako at siya naman ay nasa gilid at nakalahad ang kamay sa akin. Nakita ko pa ang nagdurugo niyang kamao matapos niyang suntukin ang manager na nagtangkang lumapit sa akin.
Act normal, Celine. Hindi niya pwedeng malaman na alam mong magtatagpo kayo rito. I reminded myself.
"How ironic. Dito pa tayo talaga nagkita. Is this coincidence or talagang sinasadya mo? Bakit hanggang Manila ay nasusundan mo pa rin ako?" pagtataray ko.
He laughed crispily again at tuluyan nang napaupo sa poolside. "Hanggang dito talaga dinadala mo pa rin ang palaban mong side," he commented.
"You're acting as if you knew me, huh? Umamin ka nga, are you stalking me?" Isa pa 'yan sa gusto kong malaman. Nakakapagtaka kasi na noong 2017 ay pakiramdam ko na marami nang alam si Curt tungkol sa akin. I just assumed that he had me background-checked kaya gano'n na lang ang asta nito. Hindi naman iyon mahirap para sa isang Curt Christian Fernandez na tukuyin ang mga taong nasa paligid niya. I just don't get why we have to meet everytime I'm being vulnerable.
Siguro, ito ang dahilan kung bakit nagkagano'n ang tratuhan namin sa isa't isa noong ikinasal na kami. I was being too harsh to him that I made him have his own iron heart.
He nodded with his lips pouted. "Partly. But honestly, ngayon ko lang nakita sa list na kasama ka sa representative."
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, pretending that it's my first time to ever hear that. "What do you mean?"
"Wala. I'm just glad na hindi ka nasaktan kanina." He suddenly handed me a white towel. "Get yourself changed. Guys wouldn't be merciful for seeing you dress like that. But I wouldn't allow them to touch you on my guard. Just do your part and not stay into trouble."
Saglit pa akong nakatitig sa lumamlam niyang mga mata saka tinanggap ang towel na iniabot niya. I mouthed my thank you and he helped me out of the water.
Hindi na niya ako tinapunan pa ng tingin at dire-diretsong naglakad palayo.
Tumulak na ako sa CR at nagpalit ng damit. When I checked on the time, nanlaki ang mga mata ko na late na pala ako sa special interview ko with the president.
Dali-dali akong nagsuklay at nagpalit ng T-shirt at pantalon. Sabi kasi sa akin ni Sir Fred na imi-meet ko ang President sa isang isolated na bar. Wala kasing ibang formal establishment ang resort but just the bar. And since it's exclusive, means I don't have to worry about the beers, guys, and the noisy music.
Pumasok na ako sa bar at nagtanong sa receptionist.
"Are you Miss Celine Torres?"
"Yes."
"Nasa table na po si Sir. Just approach him na lang po."
"Ummm... kanina pa ba siya naghihintay?"
"About 15 minutes ago."
"Okay. Thank you." Agad akong naglakad papunta sa table kung saan nakikita ko na ang bulto ng katawan ng nakaupong lalaki. Nakaharap ang likod niya sa akin.
But despite that fact, hindi ko makakalimutan ang hulma ng katawan niya.
Naupo ako sa harap niya at saka siya binati. I should act surprised but my eyes betrayed me. Halos dumagundong na ang pagtibok ng puso ko.
Oh, how I long for this moment to come. Finally, I get to have a dinner with him. Finally, he has time for me.
I missed you, Curt.
-to-be-continued-