Celine's POV "Babalik ka dahil kay Josh?" pagputol ni Curt sa sasabihin ko. Nakita ko ang pagbalatay ng sakit sa mga mata niya nang humarap siya sa akin. Tumulo ang mga luha niya dahil doon. "Celine, mahal na mahal kita. Hindi ako makakapayag na tuluyan kang maagaw sa akin ng lalaking 'yun. I'm not going to sit around and let him win you. Kaya kahit sa maling nilalang ako nagtiwala, wala akong pakialam. Ang mahalaga nandito ka sa tabi ko. Dito ka lang at walang pwedeng umagaw sa'yo mula sa akin..." "A-anong nangyayari? Ipaliwanag mo sa 'kin. Ano ba talagang nangyayari? Sabihin mo!" sigaw ko sa kanya. Napaluha na ako. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa sobrang takot at dalamhati. "Hindi mo ako naiintindihan, Curt. Kailangan kong tapusin ang misyon na binigay sa akin ni Bulan. Kung hindi

