Hadreus Matte's P.O.V
Nagising ako sa isang, panaginip,
panaginip na nangyari sa akin at panaginip na mag tatatlong taon na pero di ko pa rin makalimutan.
Pala-isipan pa rin sa akin kung sino ang lalaking iyon.Naalala ko lang na may binulong sya pero yung binulong nya ay di ko malala.Pagkagising ko ay nasa kwarto na agad ako matapos ang nangyaring iyon.Di ko alam kung paano akong nakapunta sa aking silid pero alam ko na ang lalaking iyon ang nagdala sa akin pero papaanong nya nalaman ang bahay namin eh hindi ko namn sya kilala?
'kringggggg!', 'kringggggg!'
Napabalingkwas ako nang mag-ring ang alarm clock ko. Huminto na ako sa pagmumuni-munibat pinatay iyon.
Ngayong araw din pala ang unang araw ng pasukan so it's mean first day of school HAHAHAHAHAHAHA!
Bumaba na ako para kumain para naman may laman yung tyan ko bago pumasok diba?kaya nga sabi nila 'when your stomach is full,your brain is also full too' HAHAHA joke lang, gawa gawa ko lang yan.
Matapos na akong kumain ay hinugasan ko muna yung pinagkainan ko bago pumunta sa banyo para maligo. Kumakanta pa ako nang kanta ni Ariana Grande na 'one last time' at kulang na lang pumalakpak ang mga sabon dahil sa pagkanta ko HAHAHA char.
Natapos na din ako sa wakas at sinuot ko na ang navy blue na slacks at blazer pero nagsuot muna ako ng polong puti na may kulay gintong burda na "P. U."Ibinigay ito ng University may kasama na rin na school ID at Bag na may school supplies.
Hindi ko alam kung bakit ako binigyan nang scholarship sa isang prestisyosong paaralan na ito pero okay na rin,tinanggap ko na lang kaysa naman masayang.Ika nga nila 'grab the opportunity'at para na rin hindi madagdagan ang gastos namin ni mama dito sa bahay,para na rin mailaan na lang ang perang kikitain ko sa gamot ni mama.
Lumabas na ako nang kwarto at pupuntahan naman ang kwarto ni mama.Pero bago yun pumunta muna ako sa kusina at pinainit ko muna yung pagkaing di na galaw kagabi.
Nagtataka ba kayo kung bakit di ko nababanggit ang tatay ko?Sabi kase sa akin ni mama, matagal na daw kaming iniwan nang tatay ko nang di manlang nagpapaalam.Kaya naman kaming dalawa na lang ni mama ang nagtulungan para mabuhay.
Pagkatapos ko na painitin yung pagkain ay pumunta na ako sa kwarto ni mama,nagdala na din ako ng gamot at tubig para di na sya mahirapan na maglakad papuntang kusina.
Pagpasok ko sa aking silid ay nakita ko syang natutulog sa kanyang higaan at agad ko syang pinuntahan.Nilagay ko muna ang pagkain nya sa isang maliit na lamesa katabi nang kanyang higaan at ginising ko na sya.
"Mama ko Kakain na po"panggigising ko sa kanya.Unti unti naman nyang idinilat ang kanyang mata. Ngumiti sya matapos nyang dumilat.Ang ganda talaga ng mama ko!
"Magandang umaga anak"bati nya at sinuklian ko ito nang isang ngiti.Sana gumaling na talaga si mama para makapagbonding na kami kung saan-saan.
"Ma kain ka na po,Saglit lang at iuupo ko kayo"Sabi ko sa kanya.Inalalayan ko sya hanggang makaupo para makakain sya ng maayos.
"Salamat anak ha andyan ka para alagaan ako"medyo maiiyak iyak na saad nang aking ina.Ang drama talaga ni mama ko.
"Ma wala yun ang mahalaga kasama kita"Sabi ko sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok.
"O sya kain na ma,ang aga-aga nagdadrama tayo smile ka na ma "
sabi ko kay mama at ngumiti.
Matapos kong kumain ni mama ay kinuha ko yung pagkainnan nya at nilagay sa lababo.
"Ma alis na ako wag maglilikot huh" paalam ko sa kanya at hinalikan ang noo.
Umalis na ako sa bahay namin at pinuntahan si aling Berta para ibilin si Mama.Naghihintay ako ng masasakyan nang may humintong tricycle kaya naman laking tuwa ko nang malaman ko kung kaninong iyon.
"Oh Hadreus,sakay na baka mahuli ka pa sa iskwelahan mo"Ani ni Ninong Kanor kaya naman dali dali akong sumakay sa tricycle nya.
"Nong salamat po,Doon po tayo sa P.U."saad ko sa kanya at dahan dahan nya nang pinaandar ang tricyle.
Habang binabagtas namin ang daan papunta nang aking paaralan ay bigla itong nagsalita.
"Hadreus anak,paano ka nakapasok sa paaralang iyan diba mahal ang tuition fee diyan?"tanong ni Nong Kanor.
"Nong may nagpadala po kase ng scholarship sa email ko,noong una akala ko namali lang nang pinagbigyan pero pagbukas ko po nakalagay po yung pangalan ko kaya naman dali dali kong pinirmahan yun kase sayang namn po"Mahabang lintanya ko sa kanya.
"Kung ganoon napakaswerte mong bata at napakatalino pa,ang swerte ni Pasing sa iyo"sabi nya kaya nginitian ko na lang sya.
"Oh malapit na pala tayo, sadyang napakalaki nang paaralan na papasukan mo.Mag-iingat ka jan,para na rin kitang anak"Saad ni Nong Kanor at bumaba na ako nang kanyang tricycle.
"Opo Nong"Tatalikod na sana ako nang nagsalita uli siya.
"Dumaan ka mamayang gabi sa Bahay anak kase may ibibigay akong ulam at bigas na rin"pahabol na saad nito kaya naman nilapitan ko sya at niyakap.
"Salamat po Nong"Saka hinalikan ang kanyang pisnge.Normal naman sa akin yon, walang malisya.
Sabi kase ni Mama matuto akong mag appreciate nang mga bagay na ibibigay sa akin kahit ano pa yan, mapamaliit o malaki mang bagay.
"O sya pumasok ka na,baka malate ka pa unang araw pa naman"sabi nga at pinapaandar na ang tricycle.
"Paalam po!ingat po kayo!"Sabi ko at nakaalis na sya.
Nasa tapat na ako nang gate nang school na ito.Namangha ako dahil gate pa lang ang ganda na,paano pa kaya pag nasa loob na ako diba?
"Miss ID mo?"Tanong ni manong guard kaya naman inilabas ko agad ang ID ko.
"Eh bat Male nakalagay dito?"Tanong ni manong guard habang binibigay ang ID ko.Natawa nalang ako nang sabihin nyaa yun pero mahina lang ah, baka mamaya isipin nya na pinapahiya ko sya.
"Eh Manong Lalaki po kase ako"nang sabihin ko yun nagulat sya.
"Ayy pasensya na,akala ko babae ka"Sabi naman nya at nagkakamot nang batok.
Di na ako sumagot at punasok na ako sa loob.Labis akong namangha dahil sa ang ganda nito,ang malawak na soccerfield na may mga istudyante. at may mga apat na palapag building.Sa panunuri ko sa buong lugar ay hindi ko namalayan na may nabangga na ako kaya napaupo ako,bahagyang sumakit ang aking pang upo.Ang sakit!
"Naku sissy pasensya na,di ako tumitingin sa dinadaanan.Okay ka lang ba?"nag aalalang sambit nito sabay lahad ng kanyang kamay.
"Naku okay lang ako "saad ko at inabot ang kanyang kamay para tulungan akong makatayo.Medyo kumirot pa ang pang upo ko nang makatayo na.Ano ba naman yan oo.
"Sorry talaga sissy ahh!Ano samahan na lang kita sa clinic o sa room mo" alok nya.
"sa room nalang,alam mo ba kung saan to?"Tanong ko sa kanya habang binibigay ang papel na naglalaman nang impormasyon tungkol sa kurso ko.
"SISSSYYY!!"nagulat ako sa sigaw nya kaya naman nahampas ko sya at nagulat din ang kapwa ko istudyanteng malapit sa amin.Bakit naman kasi sya sisigaw? Anong nakakagulat?
"Ano ba! Wag ka ngang sumisigaw! Nakamaistorbo tayo at nakakahiya gaga"saad ko habang hinahaplos haplos nya naman ang parteng hinampas ko.
"Grabe ka sissy,sadista ka"sabi nya.
"Sorry na,ano ba kase yun at bigla kang sumigaw"saad ko sa kanya nang nakapamewang.Imposibleng walang dahilan yon diba?bakit ka naman sisigaw ng walang dahilan eh parang tanga ka naman kung gagawin mo yun diba?
"Kase sissy parehas tayo nang department. O diba, edi hindi na ako malilate sa paghatid sayo kasi oarehas lang tayo ng classroom" mahabang pahayag nya kaya naman hinila nya na ako para makapunta na claasroom at para na rin hindi kami malate noh!
"Sissy di ko pa pala alam name mo"
"uhm Hadreus Matte, ngayon lang ako nakatungtong sa paaralang ito kase noong nakaraang taon sa pam-publikong paaralan ako nag-aral kaya di mo ako namumukaan o kilala"
saad ko sa kanya.
"Im Aaron De Quizon,so transffere ka pala eh paano ka nakapasok sa paaralang ito?"tanong nya,sasagutin ko na dapat ito nang biglang nagring ang bell hudyat para pumasok na sa kanya kanyang classroom.
"oh eto na pala yun ehh tara pasok na tayo"saad ko sa kanya kaya naman dali dali kaming pumasok.
Umupo kami sa sa gilid na bahagi nang classroom,umupo ako malapit sa bintana kase nakikita ang kabuuan nang school.
Makalipas ang ilang sandali pumasok ang babaeng nasa mid 30's at sa tingin ko sya ang Prof namin.
"Goodmorning class"Saad nya kaya naman kami ay nagtayuan at bumati rin bilang paggalang
"Goodmorning Miss"
"Im your professor sa kursong Architecture at dahil unang araw ngayon ng pasukan ayy may importanteng iaanunsyo ang may ari nang paaralan na ito mamayang breaktime sa malawak na gym,kaya inaasahan kong pupunta kayo duon. Ayun lang students, aalis muna ako dahil may importanteng aasikasuhin sa faculty,muli magandang umaga"
Saad nya at umalis sa classroom.
Dahil wala yung prof namin ay nakipagchikahan sa akin itong su Aaron. Kung ano-ano pa ang tinanong nya pero naputol iyon nang biglang may tumunog at nagsalita sa speaker sa labas nang classroom.Baka eto na yung announcement
"dear fellow students please proceed to our school gym and listen to the important announcement given by The School Owner,again! please proceed to our gym and listen to the important announcement.Thank you!!"kaya namn nagsilabasan na ang mga studyante para pumunta sa gym.
"Sissy tara na dali"Saad ni Aaron.
Nang makapunta na kami sa gym nakikita ko ang mga kumpol nang studyanteng naghihintay nang importanteng anunsyong iyon. Sobrang halaga ba non kaya oinatawag lahat ng istudyante?
"sissy ano kaya yung announcement ano?"tanong nya sa akin.
"hindi ko alam ehh"
"PLEASE WELCOME THE OWNER OF PYSOLOVICH UNIVERSITY AND ONE OF THE MOST POWERFULL AND RICHEST ALL OVER THE ASIA!!MR.DAITHYER PYSOLOVICH!!"Saad nang MC Pumalapak ang ibang studyante pati na rin ako at lumabas ang napakagwapong Lalaki na may katangkaran at matipunong katawan.
"Good day everyone"saad nung lalaki gamit ang napakalalim at baritinong boses kaya lahat nang babae ay nagtilian at sangkabaklaan pero ako ay nagtataka dahil parang pamilyar ang boses na iyon,Binalewala ko na lang iyon dahil gusto ko na marinig ang anunsyo na sasabihin nito.
"This is the Important Announcement that I have to tell you all"Saad pa nya tumahimik ang mga studyante bilang galang para marinig ng maayos ang Anunsyong iyon.
"This year,we'll having A Grand Ball because this University is celebrating the 50th Anniversary and all the students are invited!"saad nya kaya lahat nang studyante ay naghiyawan.
"Did ya'll wondering if Im single right"
Naglalakasang hiyawan ang namayani sa gym na ito at karamihan non ay babae malamang HAHAHAHA
"Sorry girls,I have a special person in my heart"sigaw ng oagkadismaya ang namayani sa lugar.
"And Now I like you to meet the person who own my heart"
Nagulat ako nang bigla syang tumingin sa direksyon ko, kinakabahan ako sa mangyayari ngayun.
"Please welcome Mr.Hadreus Matte soon to be Mrs.Hadreus Matte-Pysolovich!"
Biglang tumutok sa akin ang nakakasilaw na liwanag,Lahat nang istudyante ay nagulat pati na rin ako dahil sa anunsyong ito.Hindi maproseso nang utak ko ang nangyayari ngayon.
"Come il Mio Amore"