Madaling lumipas ang mga araw at halos isang buwan na mula ng huling makita nila ang kani-kanilang ama. Nagising si Rafael dahil sa tunog ng cellphone ni Caith, mag ala siete palang ng umaga. Inabot niya ito sabay tingin sa mukha ng asawa na mahimbing parin ang tulog, siguro pinagod niya ito ng husto dahil weekend ngayun kaya naka rami si Rafael last night. Napangiti siya habang binabaan ang volume sa teleponong walang tigil ang pagtunog, bakas sa katawan ni Caith ang mga markang iniwan niya kagabi. Medyu naka inum silang dalawa kaya iba ang naging intensidad ng kanilang love making.
Dahan-dahan ang kanyang paggalaw at tinahak ang balcony bago isinilip muli ang cellphone at sinagot, ¨Caith mabuti naman at naiisipan mong sagutin ang tawag ko ngayun!, ano nalang huh! pagkatapos mong makuha ang gusto mo ay basta mo nalang iwan ang mga taong nagsakrepisyu sayu!.¨ Isang matigas at galit na boses ang sumalubong sa tinga ni Rafael, naawa siya sa asawa sa paraan ng pagtrato rito sa sariling ama. Siguro ilang beses na itong tumatawag at piniling hindi sagutin ni Faith.
¨Mr. Morente good morning!¨
¨Mr. Alfonzo?, bakit nasayu ang phone ni Caith?¨
¨Mr. Morente, your calling my wife sa ganito kaaga, who do you think ang sasagot?¨
¨Nais ko lang makausap si Caith, bilang ama niya ay may karapatan akong tumawag sa kanya kahit anong oras.¨
¨Kailan kayu naging ama niya?, anong pakay mo sa kanya? poyde mong sabihin sa akin ng diretsahan¨
¨Ayaw kong disturbuhin ang iyung panahon Mr. Alfonzo, pero kung yan ang nais mo ay poyde tayung magkita at mapag-usapan ang nais ko.¨
¨Sa lunes nalang Mr. Morente, hindi ako poyde basta weekend dahil oras yun ng aking asawa.¨ Nais malaman ni Rafael kung ano ang pakay nito kay Faith, sa nagdaang araw ay madalas ang pagkikita nito at ni Charlotte. Alam niyang hindi maganda kung hahayaan niyang si Faith ang makipagkita sa mga ito, kung poyde ay lilinisin niya bawat lugar na gagalawan ng asawa.
Plano nilang magshopping ngayung araw dahil sa laki ng bahay ay marami pa ang kailangan nilang bilhin, dahil pareho silang naging abala kaya hindi nila ito napagtuunan ng panahon. Nais sana ni Rafael na e asa nalang ito sa iba, pero iba ang nais ni Faith at ayun dito sila mismo ang mamili dahil sila ang titira. Kaya totoo ang kanyang sinabi kay Mr. Morente kanina na pag-aari ni Faith ang buong weekend niya.
Sa pangalawang pagkakataon ay muling nagkita sina Caith at mag-inang Jessica at Anabelle, pero this time katabi na niya si Rafael. Umakto si Caith na parang hindi kilala ang mga ito, talagang bilog ang mundo kahit ayaw mupa ay wala kang magagawa dahil magkikita at magkikita parin kayu. Best thing to do ay ituring na hangin ang mga ganitong uri ng tao, pero hindi naman ganon kadali kung si Jessica ang taong katapat. Kahit na ilang beses na itong nakaharap ni Rafael ay hindi ito tumatak sa kanyang isipan, kaya ang kanyang galaw ay katumbas kay Caith.
¨Mr. Alfonzo, nagkita tayung muli¨ nakangiting sabi ni Jessica.
Napalingon si Rafael sa babaeng nagbanggit sa kanyang pangalan, ganon paman ay naka yakap parin siya sa asawa na hindi nakaligtas sa paningin ng mag-ina. Napakunot ang kanyang noo dahil sa bulgar na ugali ng katapat kahit nasa harap ng presenya ng kanyang asawa. ¨Excuse me? do I know you?¨ dapat linawin ni Rafael ang mga bagay lalo na sa kanyang asawa ayaw niyang ito pa ang pagsimulan ng hindi pagkaintindihan. Minsan ng nangyari na hindi siya nito kinibo kaya nag-iingat siya sa mga bagay-bagay.
¨ahmm, it´s me Jessica, nagkita na tayu ng ilang beses at ang huli sa office mo¨ nilambutan pa ni Jessica ang pagkasambit no´n huling katagang bago tumingin kay Caith. Parang may gustong iparating ang kanyang huling salita, kaya napalingon si Caith sa asawa dahil hindi naman nito binanggit sa kanya ang bagay na to.
¨ow... really? lahat ng mga naka meeting ko ay nalala ko pa sila lalo na kung malaking negosyu ang pinag-usapan namin, but about you... I´m not sure¨
Napangiti si Caith sa kanyang narinig, muntik na siyang nahulog don ah... ¨Jessica, kung gusto mong maalala ka ng asawa ko ay dapat mong ipakilala ang buong pagkatao mo. Kung kanino kang anak at sinong pamilya ang inyung sinira, for sure my husband could remember your face to avoid same situation.¨
Biglang nag-iba ang ihip ng hangin at ngayun palang na tanto ni Rafael kung sino ang nasa kanilang harapan, ¨damn honey, akala ko kung sino sila. Let´s go! ayaw kong makalanghap ka ng parehong hangin sa kanila, it might cost you something that they can´t afford.¨ Pang-iinsultong ani naman nito, well para sa kanyang asawa ay kaya niyang gawin ang mga bagay na hindi niya akalain na galing sa kanya.
Kahit na ganong ang bumungad sa kanila ay hindi yun naging hadlang sa kanilang magandang araw, halos inikot nila lahat pati ang department store ay nakarami sila. Kadalasan doon ay mga couple staff at ang cute siguro kong si Caith ang magsusuot pero nakaka excite lang kung ano ang kalabasan kung kay Rafael.
¨Babe, I can´t wait na makita ka doon sa mga pajama nating binili¨
¨it doesn´t matter, kahit ano pang isusuot ko ay huhubarin ko parin para sayu. Mrs. Alfonzo ikaw ang binibigyan ko ng pagkakataon na makita ang aking hubad na katawan in this life time.¨ Bulong nito na ikina pula ng kanyang buong mukha, lintik sinong nagsasabing ibang klasing lalaki ang kanyang asawa.
Lunes araw ng pagkikita nila Rafael at Marvin, hindi paman nakita ni Rafael ang schedule niya sa buong araw ng dumating ito. Inaaasahan ni Rafael ang muli nilang paghaharap pero hindi ganito kaaga, ¨Mr. Morente, good morning!, hindi ko inaasahan na morning person ka pala.¨
¨Good morning!, alam kong busy kang tao kaya sinisiguro kong makakuha ng panahon para sayu. Hindi ka naman nagbigay sa akin ng oras kaya sana ay hindi mo masamain ang aking pagdating.¨
¨maupo ka muna, anong gusto mo kape?¨ kahit father-in-law niya ito ay hindi niya makuhang tawagin sa ganong paraan dahil wala namang sinabi ang kanyang asawa at alam rin niya na hindi maganda ang pakikitungo nito kay Faith.
¨coffee will do¨
Ngayun na magkaharap na sila ay hindi nagpaligoy-liguy si Rafael at tinanong ito agad. ¨I was wondering kung bakit kayu tumawag sa aking asawa?, at pumapayag kang makipagkita sa akin instead of her.¨
¨Napag-alaman ko ang relasyun mo kay Ms. Lim kaya pumayag akong sayu nalang makipagkita, alam mo kung ano ang kaya niyang gawin and in no time ay haharapin niya si Caith dahil sayu. Here´s a thing, alam mong wala ng kinalaman si Caith sa buong kumpanya at tuluyan ng naalis ang kanyang pangalan.
Ms. Lim is currently holding the biggest company share, napag-alaman kong wala siyang planong palitan ng pangala ng kumpanya, kung hindi ay magigiging sangay ito ng Lim Group. Alam kong may pera si Caith pero wala naman siyang kaalaman sa ganitong bagay, nais kong kausapin siya at muling magkaruon ng share. Sa ganong paraan ay hindi siya subrang liit sa paningin ni Ms. Lim para sayu.
Bilang ama ay ayaw kung ganong ang tingin ng ibang tao sa aking anak. If ever na papasuk siya sa kumpanya at ako na mismo ang tutulong sa kanya upang mapalago ang kanyang pera at maari parin niyang maenjoy ang buhay kahit nasa bahay lang siya.¨
Mahabang litanya ni Marvin na ikinaismit ni Rafael habang nakikinig dito. ¨hearing from you, parang naka plano na ang yung gustong mangyari sa pera ni Caith, good!¨ napatango pa siya habang nilapag pabalik ang kanyang kape. ¨Pano ka makasisiguro na papayag siya sa iyung mongkahe?¨
¨Alam kong mahal ni Caith ang kumpanya at kahit nagawa niyang talikuran ito noon pero alam kung mang-iiba ang kanyang paningin pagdating kay Ms. Lim. Walang babae na gustong may ibang babae na aaligid sa kanyang asawa lalo na sa katayuan mo ngayun, mas pipiliin niyang ipaglaban ang kanyang pag-aari.¨
¨Masasabi kong hindi mo masyadong kilala ang iyung anak Mr. Morente., si Faith ang pinaka simpling babae na aking nakilala¨
¨Dahil wala pa siyang nakikitang pagbabanta¨
¨You think hahayaan niya muling mangyari ang nagyari noon?¨ naka titig si Rafael ngayun sa kanyang kaharap.
¨Mr. Alfonzo... hindi mo alam kung ano ang kayang gawain ng babae pagdating sa lalaki. Ano sa tingon mo kung bakit binili ni Ms. Lim ang share ni Caith kahit alam niyang palubog ang kumpanya.¨
¨Kung ano man ang kanyang rason ay wala kaming pakialam¨
¨Hindi moba naisip na dahil yun sayu?, nais niyang ipakita kay Caith na kahit ang kumpanya na kanyang inaasahan ay kaya nitong kunin sa isang iglap lang.¨ may maliit pang ngiti na namuo sa gilid ng bibig ni Marvin. ¨I understand na mahalaga sayu si Caith kaya mas pinili mo siya kumpara kay Ms. Lim, pero bilang lalaki ay hindi naman laging panlabas na kaanyuan ang ating tinitingnan. Oo may pride din tayu pero ibang usapan pagdating sa pera at babae, hindi sila poyding ipaghalo.
¨hahaha may punto ka nga!, pero sa tingin mo kailangan ko ng pera? si Faith..sa tingin mo ay kaialangan niya ng pera?. Sa tingin mo ay gusto pa niyang balikan ang kumpanya kahit gaano ito kahalaga sa kanya, minsan na niyang tinalikuran bagomat ay hindi na yun sumagi sa isip niyang balikan ang kanyang tinalikuran.¨
¨Mr. Alfonzo, alam ko ang iyung kakayahan pero hindi ako maniniwalang bali wala sayu ang magandang oputunidad para sa babae. Si Caith at si Ms. Lim ay napaka layu ng kanilang katayuan, sa ngayun ang isang bilyun sa mata ng iba ay malaking pero mag-iiba ang value non sa taong kaharap. At sa harapan ni Ms. Lim ay bali wala sa kanya lalo na si Caith.¨
¨A piece of advice Mr. Morente... siguro iba ang ating paningin bilang lalaki pagdating sa pera at babae pero ganon rin si Faith. Bilang nag-iisang apo at anak sa dalawang taong magagaling sa larangang ito, you think she is less than them?.¨
Hindi nagtagal ang kanilang pag-uusap dahil umiikot lang ang kanilang pinag-usapan, trying to outsmart o nagpabubuhan ba sila ay hindi mo masasabi kung alin sa dalawa. Alam ni Rafael na hindi ito ang huling pagkikita nila, at hindi rin niya maiwasang nagcross ang landas ng mga ito kay Caith. Malaking parte ng pagkatao ni Caith ang mga bagay ng pinaghirapan ng kanyang ina, pero malaki ang tiwala niya sa babae ay may nakatagong apoy ang mga mata nito na hindi pa nagigising at posibling lalabas yun sa anon mang panahon.