PROBINSYA
"Milda?! Jusko.. Long time no see!!!" sigaw ng isang ale habang masaya itong sumasalubong sa kanila.
"Grabe ka Milda, ang puti-puti mo na tsaka yung kutis mo pang kutis mayaman! Talagang ibang-iba kana Milda!" buwelta naman ng isang ale.
"Aysus! mga mukha nito halatang-halata namang manghihingi lang kayo ng pasalubong sa asawa ko," mapanuyang sabat ni Fernando habang kinukuha nito ang mga gamit nila sa sasakyan.
Matagal-tagal na ding di naka-uwi si Milda sa kanilang probinsya. Kaya baka nga ganun na lamang siguro ang reaksyon nila sa kadahilanang paminsan-minsan lang din nila itong nakikita. Simula kasi nang nagtrabaho sya sa pamilya Villalobos ay paminsan-minsan nalang itong umuwi sa probinsya.
Doble-kayod ang ginawa ni Milda sa dami ding gastusin at isa na ding dahilan ay ang pagpapa-aral niya sa kanyang pamangkin sa kolehiyo.
"Kayo talaga! kung meron man akong sobrang na miss dito ito yung asawaa koo.." biglang niyakap niya si Fernando. "at tsakaa si Fran-" .
""Nanay!"
Pinutol ni Maxine ang kanilang sandali munang usapan para magpapa-alam ito.
"Ahm.. Nanay Milda pwede bang dun muna ko sa may puno ng mangga, magpapahangin lang sana ako," malumanay na sambit ni Maxine at kitang-kita sa kanyang mukha ang pagod dahil sa haba din ng byahe.
"Sige nak, pahinga ka muna dun kami nang bahala sa mga gamit mo dito," wika naman ni Milda.
"Sino yun? parang wala syang respeto ah," pagtatakang sambit ng isang ale na di mabale ang tingin kay Maxine.
"Siya si Maxine, anak yung ng amo ko. Dito muna sya magbabakasyon kasi wala pa naman silang pasok," sagot ni Milda na halatang tinatago niya ang totoong dahilan ng pagpunta ni Maxine dito.
Iniba ni Milda ang usapan."Teka lang kanina ko pa napapansin na parang walang Franco na sumasalubong sa akin? Nasaan ba si Franco bat parang hindi ko ata sya nakikita ha," tanong ni Milda na may pakunot noo.
"Biglang napaaga kasi ang pagdating niyo. Eh pano kasi ang alam nun ng binata mamaya pa kayong gabi darating. Kaya andun muna yun sa mga bata. Alam mo naman yun kung gaano kalapit sa puso niya ang mga bata dito sa sitio," sagot ni Fernando.
Bata pa lamang si Franco ay ulila na ito sa kanyang mga magulang. Kaya doon na ito lumaki ang binata sa puder ng kanyang tiyahin na si Nanay Milda at tiyuhin nyang si Fernando.
Mahal na mahal nila ito ang binata at tinuring na nila itong bilang isang tunay na anak. Hindi din kasi nabiyayaan ng anak ang mag-asawa kaya kinupkop nila ito si Franco at pinalaki ng maayos.
"Baka mamaya uuwi na yun.. at sa tagal ding panahong di kayo nagkita siguradong akong miss na miss kana ng batang iyon, " nakangising bulalas ng isang ale.
"Tama sobrang na miss kana nun ni Francoo at syempre sobrang na miss din kita, " nakangiting dagdag ni Fernando sabay ng kanyang mahigpit na pagyakap kay Milda.
"Ahmmm Tara muna kayo sa loob?! may kunti kaming salo-salo ditong inihanda, dito na kayo maghapunan," pag-aanyayang sambit ulit ni Fernando.
"Ayyyy gustoo ko yan!" sibat na wika ng isang aleng mas nauna pa itong pumasok sa loob.
Maxine POV
TAHIMIK akong nagmumuni-muni ngayon habang nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga. Medyo malayo nako sa kinaroonan ng bahay nila ni Nanay Milda. Maganda naman ang lugar. May malawak na palayan, mga nagpapakalmang huni ng mga ibon at tanaw na tanaw ko ang matataas na bulubundukin. Dagdag pa rito ay ang mga batang naglalaro sa di kalayuan ng aking kinatatayuan.
"Hayssst! di ko akalaing nandito nako," kausap ko saking sarili.
Di mabale ang atensyon ko sa mga batang naglalaro sa harap ng aking kinalalagyan. Bakas sa kanilang mukha ang kasiyahan habang naglalaro ng tumbang preso. Ngunit habang nasa gitna ng aking malawak na imahinasyon at pagkatunganga ko ay may biglang kung ano ang tumama sa noo ko..
"Paaaakkk!!"
Bigla akong napahawak sa noo at sa sobrang sakit ay parang nandidilim yung paningin ko kaya napa-upo ako sa d**o. Tinamaan pala ako ng tsinelas. Naramdaman ko ang pagtakbo papunta sa akin ng mga bata. Nakita ko din ngunit di klaro, ang isang binatang kumaripas ding tumakbo papunta sa kinalalagyan ko.
"Hala ate pasensya na po di ko po sinasadya," nanginginig na boses ng isang bata na halatang kinakabahan sa kanyang nagawa.
"Miss okay ka lang ba?" hindi ko kilala kung sino din yung isang nagsalita ngunit ang kanyang boses ay parang isang boses binata.
Nang nagkamalay nako ng kunti ay hinay-hinay kong idinilat ang aking mga mata. Sa di ko inaasahang pagkakataon ay tumambad saking harapan ang napakagwapong mukha ng isang binata.
"Miss? Miss?? " Halatang-halata sa gwapo niyang mukha ang concern.
"Ate, pasensya na po hindi po namin sinasadya. Soryy na po ate," halos mangiyak-ngiyak ding sambit ng isang bata na nasa bandang gilid ko.
Dahil parin sa sakit na iniinda ko saking noo ay nagsusungit akong sinasagot sila. "Sorry? kita niyo naman diba kung ano yung ginawa niyo sa mukha ko?"
"Hindi naman sinasadya ng mga bata na mangyayari yan sa iyo eh, kaya andito din ako para humingi din ng sorry sa nagawa ng mga bata," paumanhing tugon ng binata na lalong nagpapagwapo sa kanya dahil sa lamig ng boses.
"So parang kinukunsinte mo pa yung mga bata ah. Ganun ba?". Kitang-kita ko sa mga mukha ng mga bata ang takot sa pagkasabi ko nito.
"Hindi naman po sa ganon, eh ang amin lang ay makahingi kami ng paumanhin sayo dahil di man talaga nila sinasadya," mahinahon niyang pagkabigkas na may pag-aalala sa kanyang mukha.
"Pagsabihan mo ang mga bata, Wag ako!"
Umalis nako bigla sa aking kinalalagyan. Iniwan ko lang sila na walang pagtanggap sa kanilang mga paumanhin. Kitang-kita ko din sa kanilang mga mukha ang pagkaka-dismaya at halong pag-aalala sa akin. Di ko na din kasi matiis ang sakit kaya pumunta nako sa bahay ni Nanay Milda para bigyan ng paunang lunas ito.
Franco POV
GRABE ang sungit naman ng babaeng iyon. Hindi man lang tinanggap ang aming paumanhin sa kanya. Tsaka bago lang sya namin nakikita dito at kung maka-asta sa amin parang pag-aari niya ang lugar na to. Eh bigla-bigla nalang nga siyang sumusulpot na parang kabute.
Kitang-kita ko pa rin sa mga bata ang kanilang lungkot dahil na din siguro ay nakokonsyensa sila sa ginawa nila kanina na di man nila sinasadya.
"Wag niyo nang intindihin yun mga bata ah, ang importante ay humingi tayo ng tawad sa kanya," mahinahon kong pagpapakalma sa mga bata.
"Kuya, sino yun? parang bago lang sya namin dito nakikita ah," pagtatakang tanong ni reb-reb.
"Hindi ko nga din kilala yun reb-reb eh, pero baka turista lang yun na napadpad dito sa lugar natin! " sagot ko kay rebreb habang kinukurot ko ang napaka cute nitong pisngi.
Malapit ang puso ko sa mga bata dito sa sitio. Dati pa man ay gumagawa nako dito ng libreng pagtuturo dahil karamihan sa kanila ay di na nagawang makapag-aral. Tinuring ko na din silang parang tunay kong kapatid. Kaya di matatawaran ang pagmamahal ko sa mga batang to.
"Mga bata palubong na yung araw, kaya oras na para umuwi at baka hinahanap na din kayo ng mga magulang niyo," dagdag kong paalala.
"Maraming salamat po kuya Franco, bukas ulit!" nakangiting ani ni bogart.
Nagsiuwian na ang mga bata kaya umuwi na din ako kasi ito din yung araw na uuwi si Mama Milda. Matagal-tagal ko na din syang di nakita kaya excited nakong makita at mayakap sya ulit ng mahigpit.
"Uy Francooo bat ngayon ka lang? kanina kapa hinahanap ng Mama Milda mo. Andun sya ngayon naghihintay sayo," wika ng isang aleng masayang may bitbit na pagkain na tila ba'y kakagaling lang din sa amin.
Nang marining ko yun ay kumaripas nako ng takbo papunta sa amin. Sa sobrang excited ko ay sumigaw ako papasok sa bahay.
"Anditoo nakoo Mama Mil......Ikawwwwwww????"
Bigla akong napahinto saking pagsigaw. Di ako makapaniwala saking nakita. Grabe ang liit talaga ng mundo!