Hinatid niya ako sa apartment matapos ang dinner. He was gentleman enough to open the car door for me. We stayed outside my place for awhile in silence. Ni hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. Yayayain ko ba siya sa loob? It’s almost ten and I think he really needs to go home to rest. Hindi ‘ata kasi magandang ideya na yayain siya sa loob. Hindi naman sa may gagawin kami pero kanina pa ako kinakabahan. I mean, not in a bad way. Parang kaba sa tuwing nakikita mo ang kinahuhumalingan mo. I mentally shook my head. Zuri, what the hell are you thinking? Kinahuhumalingan? Don’t tell me I have a little crush on him now? Hindi na iyon bago pa dahil nagkagusto naman ako sa kaniya noon. Pero hindi dapat mangyari o lumalim pa ang little crush na mayroon ako sa kaniya. “Are you free tomorrow?”

