Humangin nang malakas. Sinasayaw nito ang kulay itim kong saya kasabay ng pagbuhos ng aking luha. Pati ang makulimlim na langit ay nakisabay sa aming nararamdaman. Madilim... mabigat, at tila puno ng sakit tulad ng aming mga puso. Ang bigat ng kalooban ko habang tanaw si Flynn sa harapan ng puntod ni Farah, tahimik na tumatangis. Umaambon na... Natapos na ang seremonya’t nailibing na siya, naroon pa rin si Flynn nakaluhod. He was crying in silence. Bawat patak ng ulan ay mabigat. Sa pagpatak nito, nahihinuha ko ang pagsabay ng kaniyang pagluha. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin doon. Gusto kong sabihin na masaya si Farah kung nasaan man siya ngayon. Gusto kong iparating na wala ng sakit... Wala na siyang sakit na iindahin pa. I wanted to comfort him. I wanted to tell him

