YNA
NAKAPILA kami ngayon sa cashier ng matapos kaming makapili ng mga kailangan sa kusina. Tahimik pa rin si Sir Gosano habang hinihintay naming matapos sa pag tutotal ng aming mga pinamili.
Nais kong makipag-usap sa kanya dahil pakiramdam ko ay mapapanisan ako ng laway, ngunit nanatiling tahimik ito kaya ko nais na mapagalitan o kaya masungitan naman nito kaya nanahimik na lamang ako.
Ngunit hindi ko na talaga matiis kaya nagsalita na ako.
“Ahm Sir. Wala pa ba kayo asawa?” Curious na tanong ko ngunit tiningnan lamang niya ako.
Pero maya-maya lang ay sinagot naman niya ako.
“Wala ako asawa may nakikita ka ba?”
“He he! Wala po!”
“Oh iyon naman pala! Di alam mo na ang sagot sa tanong mo.” Sarkastiko na saad nito kaya napakamot ako ng batok.
Tumingin siya sa akin at mabilis kong iniiwas ang mukha ko.
“Sabi ko nga hindi na ako magtatanong!” Sabi ko naman at umaktong sini-zipper-an ang aking bibig.
Nang bigla na lamang may isang matanda ang nagsalita sa gilid namin at nagtanong.
“Ining pwede bang makisingit ako sa inyong mag asawa?”
“Po, h-hindi po kami mag asawa, lola!”
Saad ko naman kaya medyo nagulat ang matanda.
“Ay talaga ba ining? Pasensya na kung napagkamalan ko kayong mag asawa o magkasintahan naka-couple shirt kasi kayo akala ko mag asawa kayo!” Nahihiyang sabi ng lola sa amin at napatingin naman ako sa suot namin ni Sir at doon ko lang na pansin magkapareho nga kami ng kulay ng damit na parang couple nga ang atake.
“Oh my ghad! Iniisip ni lola na mag asawa o magkasintahan na kami ni Sir! Si lola talaga!”
Namumula ang mga pisngi ko sa hiya.
Mabuti na lamang at mukhang hindi napansin ni Sir, ang sinabi ng lola dahil busy pa rin ito sa pag salansan ng mga pinamili namin sa tapat ng counter.
“Hindi ko po siya asawa lola, katulong ko lang po siya!”
Ngunit nagulat ako ng bigla na lamang magsalita si Sir Gosano sa matanda kaya napaubo ako na tila nabilaukan.
“Hmmn! Sayang naman iho ang ganda niya tapos ginawa mo lang siya katulong.” Sagot naman ni lola kaya napataas noo ako. Na parang sinang-ayunan ko si lola. Pero ng mapadako ang tingin sa akin ni sir. Ay napayuko naman ako at iniwas ang tingin ko sa kanya.
Mabuti na lamang at hindi na humaba pa ang usapan ng matanda at ni sir. Nang lapitan sila ng anak ng matanda at humingi ng paumanhin sa amin. Napangiti naman ako na nagsasabing ayos lang sa anak ng matanda.
Habang si Sir Gosano naman ay muling bumaling sa cashier at nagbayad na dahil tapos na ang pagtotal sa mga pinamili namin.
Binili pa namin ang iba pang kailangan na wala sa grocery store at agad na kaming natapos sa pamimili.
Mabigat ang pakiramdam ko ng makasakay na ako sa kotse ni Sir. Ngunit masaya naman ako at makakauwi na kami dahil sa totoo lang ay napagod ako kakabitbit sa ibang mga pinamili namin ni Sir.
Ilang sandali na rin ng mailagay na ni Sir sa kumparter ang mga pinamili namin ay pumasok na rin ito at tahimik na pinaandar ang sasakyan.
Mukhang bad mood ito kaya tumahimik sa buong byahe namin.
GOSANO
“HELLO, Mom!” Mabilis kong sinagot ang cellphone ko habang nagmamaneho ako pabalik ng bahay galing grocery store.
“Hello son, kumusta ang aking pinakagwapong anak?” Pagbati ng aking ina sa akin ng sinagot ko ang tawag nito.
“Okay naman po ako mom!”
“Mabuti naman. Nga pala tumatawag pala ako upang ipaalam sa iyo na darating ako sa bahay mo bukas!” masiglang saad nito kaya pangiti ako.
“Really? Okay, but mom ayokong pilitin mo ako tungkol sa pakiki blind date naman okay?”
“Okay son, hindi ko gagawin ngunit. . .
“Ngunit ano mom?”
“Wala anak, huwag ka ng mag-alala, hintayin mo ako bukas ah huwag ka muna pumunta sa Dera Company okay!”
“Okay mom, hihintayin kita bukas.”
“Okay ingat ka anak mahal kita!” At agad na nitong pinutol ang tawag.
Nagpatuloy na ako sa aking pagmamaneho para agad kaming makauwi. Napatingin naman ako kay Yna. Na tahimik lamang na nakaupo sa aking tabi at nakita ko itong nakatulog na, kaya hindi ko na ito inabala at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.
KINABUKASAN Nagising ako sa tulong ng aking alarm kaya napabalikwas ako ng bangon ng maalala na ngayon pala uuwi si mommy galing Cebu dahil nagbakasyon ito roon sa dati naming bahay kung saan ako lumaki.
Naglakad na ako papunta sa banyo ko na naligo at bumaba sa hagdan para sabihan si Yna na magluto ng mga putahing paborito ng aking ina. Kahapon kasi ay nakalimutan ko na siyang sabihan, dahil naging busy kami sa pagsalansan ng aming mga pinamili.
Nang makababa na ako ay nakita ko si Yna na naghahain ng mga pagkain sa mesa sa kainan nang makapasok ako sa kusina para mag agahan sana. Ngunit, hindi ko pa sinabi sa kanya na darating ang aking ina kaya paano ito nakapag-luto na para sa ilang kataong kakain?
“Good morning po sir!” binati niya ako.
“Magandang umaga rin!” sagot ko naman.
Nang may marinig kaming may kumatok sa may pintuan.
Kaya agad namang nagmadaling lumapit doon si Yna at binuksan ang pintuan at naroon nga ang aking ina. Dahil ito lang naman ang inaasahan kong bibisita sa akin.
Sumunod naman ako at agad kong nilapitan ang aking ina na nakangiti sa akin.
“Good morning son, I miss you!” sabi niya na naglakad papunta sa akin ngunit napatingin ito kay Yna na bumati rin sa kanya.
“Mommy good morning too. Ang aga niyo namang pong dumating!” tanong ko.
“Oh at sino ang magandang babae ito anak?” Sa halip na sagutin ako ay bumaling ang tingin nito kay Yna at tinuro pa niya ito.
“Maganda araw po maam!” Bati naman nito sa aking ina at nakita ko itong ngumiti.
“Mas maganda siya kapag ngumiti siya!” nausal ko na laman at saglit akong natulala sa maaliwalas na mukha nito
“Mom! Siya po si Yna, kasambahay ko!” pakilala ko naman sa kanya kaya napawi ang ngiti ng aking ina.
“Oh my! Ano bakit kasambahay mo lang ang ganitong kagandang dalaga sayang naman!”
“Seryoso mom!" I raised my eyebrow ng makita ko na tila naghihinayang ito na kasambahay ko lang si Yna.
“Of course mom! Ano ba iniisip mo?” naiiling na saad ko naman sa aking ina. Pero binalewala lang niya ako at nilapitan nito si Yna.
“Darling, ano ang pangalan mo?” Magiliw na saad ni mommy kay Yna kaya napakunot ang noo ko sa pinapakita ni mommy kay Yna na pagkagiliw.
“Ma’am ako po si Yna Christoval, nice to meeet you po!” Sagot naman nito at nakipagbeso pa rito si mommy
“Wow! Ang ganda mo naman iha! Ako nga pala si Gracia ang mommy ni Sir. Gosano mo.”
“Kinagagalak ko po kayong makilala ma'am. Gracia!” Nahihiyang sagot naman ni Yna sa mommy ko
“Gosano, magtrabaho ka na pala at aalis kami nitong si Yna at mamasyal kami ngayon gusto ko makilala pa ang magandang dalaga na ito!” Saad ni mommy sa akin kaya nagulat ako.
“Ano po!?” At nanlaki pa nga ang mga mata ko. Kahit si Yna ay nagulat din sa sinabi ni mommy.
Nang marealize ko ang mga sinabi ni mommy ay bigla ko na lang nais pauwiin si mommy sa Cebu kasi alam ko na ang mangyayari kapag tumagal ito sa bahay.
“But mom, marami pang gagawin si Yna kaya hindi mo siya pwedeng isama mamasyal ako na lang ang sasama sayo!” Tutol ko ngunit pinanlakihan lang ako ni mommy ng mga mata.
“Huwag ka ng tumanggi kundi magagalit ako sayo!” Naiinis na sabi nito kaya napabuntong hininga ako at napilitan na lang na tumango.
“Mabuting kaya palagi kita mahal anak! Napakamasunurin mo talaga sa akin.” Bumalik ang kislap sa mga mata nito kaya napailing na lang ako.
Kinagat ko ang aking ibabang labi upang maiwasan magsalita at baka masamain pa ni mommy ang sasabihin ko about kay Yna.
Gusto ko sana sabihin na katulong ko lang ito at hindi na kailangan pang kilalanin ni mommy ito, pero ayaw ko naman na madisappoint sila pareho sa sasabihin ko.
Kaya wala na akong nagawa kundi pumasok na lang sa kompanya.
YNA
MASAYANG kasama si Ma’am Gracia ng mamasyal kami pagkatapos naming mag agahan kaya pala naisipan ko kanina na magluto ng marami rami dahil bibisita pala ang ina ni Sir Gosano. Subalit ang masaya naming kwentuhan ay napunta sa seryosong usapan about sa anak nito na si sir Gosano.
“Iha may offer ako sayo sana pumayag ka?” saad nito at sumeryoso ang mukha nito bagamat hindi naman ito mukang galit.
“Basta kaya ko po ay pwede naman po!” kinakabahan kong sagot dito. Kaya napangiti ito ng malawak.
“Gusto ko sanang paibigin mo ang anak ko!”
“Po?”
“You heard that naman iha, kaya sana pumayag ka?”
“Baka po magalit sa akin si Sir. Gosano kapag nalaman niya ito?” kinakabahan na sabi ko.
“Hindi iyan akong bahala sayo! Ano iha papayag ka ba? Babayaran naman kita na doble sa pinapasahod niya sayo!” Nakangiting sabi nito kaya napalunok ako pero kuminang ang mata ko sa inoffer nitong bayad sa akin.
“Sige po tinatanggap ko.”
“Talaga iha salamat!” lalong lumawak ang ngiti sa labi nito.
“Ito ang gagawin natin. Gusto kong magtrabaho ka sa kompanya ng anak ko at syempre, doon mo siya paiibigin.” Saad nito kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Ano iha, kaya mo ba?”
“Sige po susubukan ko po!”
GARCIA
HULOG talaga ng langit sa akin si Yna. Mabait at masipag ito kaya gusto ko siya para sa anak ko wala akong pakialam kong katulong ang trabaho nito. Kaya sa ayaw man o sa gusto niya ay kailangan ko siyang mapapayag para paibigin niya ang anak ko.
Kaya kinausap ko siya matapos naming mamasyal habang kumakain kami ngayon sa restaurant na paborito namin ng anak kong kainan.
Kailangan kong alukin siya ng trabaho upang maaari siyang manatili kasama ang aking anak. Kaya nakabuo ako ng mga plano.
Tamang tama. Maganda siya, may inosenteng mukha, mabait kahit at higit sa lahat masarap magluto na isa sa mga katangian na hinahanap ng aking anak sa babae.
Nais ko lang kasi muling mabuksan ang kanyang puso upang umibig muli dahil gusto ko pang magka-apo sa kanya aba hindi na ako bumabata gusto ko na ng mga apo na makikita ko pa na magsilakihan.
At si Yna na lang ang alam kong makakagawa niyon. Kaya napangiti ako sa na isip habang nakatingin sa kanya ng tumango ito. Bilang pagpapayag sa offer ko rito.
ITUTULOY