"Wag na. Hospital agad--" This time, napatigil ako nang magtagpo ang mga mata namin.
Ang tangkad, ang gwapo, ang crush ko. Nanlaki yung mata ko nang magtagpo yung mata namin. Nawala lahat ng galit ko, at naging kahihiyan.
"Hey, are you okay?" Napatingin ako sa sahig at minumura ang sarili sa mga sinabi ko sakanya kanina. Tumango nalang ako.
"You have bruises, I think i need to bring you to the clinic at least."
"Okay lang, wala to." Please, umalis ka na. Nakakahiya!
Syempre nagmagaling ako maglakad, pero yung katawan ko di nakikisabay kaya nanlalambot yung tuhod ko.
"I will take you to the clinic, get in."
Umiling ako, pero he is so dead serious. Sumakay nalang ako kasi gusto rin naman. Nagpapapilit lang ako. Ang landi.
Umangkas ako sa likod ng bike niya. Napahawak pa ako sa bag niya kasi medyo mabilis siyang pumadyak kasi pareho na kaming late. Gusto siguro netong maisahan pa ako.
Tumigil kami sa Science department building, dito kasi yung Clinic. Tinatry kong maglakad, at feeling damsel in distress. Inoffer niya yung braso niya para may alalay.
Sa kdrama kasi dapat luluhod siya sa harap ko para sumakay sa likod niya, bakit di ganun? Grabe na yung pagka delulu ko.
Pawis na ako nang makarating kami sa clinic mga 15 painful steps lang naman. Pumasok na kami sa clinic at inassist na ako ng nurse.
"Una ka na sa klase mo. Okay na ako dito." Sabi ko sa kanya. Tumango nalang siya at papalabas na ng pinto.
"Pwede ko bang matanong pangalan mo?" Napahinto siya.
Di ko alam bakit bigla nalang lumabas to sa bibig ko, siguro inaatake ako ng kalandian.
"Juro, the name's Juro." Sabi niya habang natingin sakin habang hawak ang doorknob.
"Thank you, Juro." Sabi ko at nginitian siya. Tumango lang siya at lumabas na.
Grabe! Sa wakas nakahinga na ako. Kanina ko pa pinipigilan yung nararamdaman ko. Thank you Lord! Ang bango niya. Kumapit sa uniform ko yung pabango niya.
Binendahan na ng nurse yung sugat ko. Binigyan din ako ng Medical Certificate at Excuse letter since di na ako nakaattend ng first and second period. Binigyan din ako ng gamot. Trinay ko maglakad after magtake effect yung gamot, at di na siya ganun kasakit.
Naglakad na ako sa classroom para sa third period. Sinalubong ako nila Hennie at Tin.
"Kaya pala nasugatan kasi nafall." Bungad ni Tin sakin.
"Kakakita mo lang kay dun sa lower year kahapon, tapos nakaangkas ka na sa bike niya. Ibang klase ang ganda mo pang worldwide." Sabi ni Hennie.
"Magkwekwento palang ako, pano niyo nalaman?" Pagtataka ko. Ang galing din ng spidey senses netong dalawa.
"Kita ka namin habang nagfaflag ceremony. Malinaw ang mata ko kahit malayo ka." Habang inaayos ni Tin ang eye glasses niya.
"What happened?!" Napalingon kaming tatlo kay Earl na sobrang OA, bakit kailangan isigaw sa mundong baldado ako?
Naikwento ko sa kanila yung nangyari. At tong dalawa, kala mo nasa kdrama yung kwento ko. Pinagpapalo pa ako sa sobrang kilig. Buti nalang galos lang pero hirap istrech ng tuhod ko. Natapos na buong klase namin sa buong araw. At sobrang daming assignments na kailangan tapusin. Pero mas iniisip ko yung lalakarin ko, gamit ang tuhod na to.
Nagpaalam na sina Hennie at Tin sakin. Nagoffer pa silang ihatid ako pero tumanggi ako kasi out of way sa uuwian nila. Nakakahiya naman.
Magsisimula na sana ako maglakad nang biglang may lumuhod sa harap ko.
"Tara na, hatid na kita." Sabi ni Earl habang tinatapik niya yung likod niya para ikarga niya ako.
"Ayoko, nakakahiya. Tumayo ka dyan." Pagtatanggi ko. Tinignan niya ako ng masama.
"Dali na kasi. Bihira lang to--- pucha ang bigat mo!" Sumakay ako sa likod niya agad. Syempre, kunware lang yun, nagiinarte lang talaga ako.
Nagsimula na siyang maglakad habang karga niya ako.
"Baka wala pa sa gate, di mo na ako makarga. Bahala ka dyan, di ako aalis dito." Sabi ko sa kanya habang siya pinagtatawanan ako.
"Naggygym na ako. Kurutin mo pa muscles ko."
"Parang ewan to." Tapik ko sa kanya. "Matanong ko lang. Anong kukunin mong course ng college?"
"Magtatambay na ako. Yun din naman pangarap ko." Natapik ko siya ulit. "Aray! Mapanakit ka na, alam mo yun?"
"Seryoso kasi."
"Ngayon na namention mo, wala pa akong naiisip. Ikaw ba?" Napakunot siya ng noo at bahagyang malalim ang iniisip.
"Hmmm. Pharmacy?" Yun lang yung last kong naisip kagabi bago pa ako makatulog kagabi. Baka yun na yun.
"Sige, ako rin." At natapik ko siya ulit.
"Seryoso nga!"
"Ang damot naman. Sasama lang e. Ibaba kita dito sa kalsada." Sabi niya habang nagaattempt na ibaba talaga ako. Hinigpitan ko yung pagkakakabit ko sa kanya.
"Bakit ba gusto mo sumama?"
"Our parents are both doctors, and expecting na mag Medicine tayo. I'd rather stay with you kaysa naman mapariwara ako sa kapag ibang course. I think the course would be bearable kung kasama kita." Paliwanag niya sakin.
Make sense naman. Napatango ako sa thought niya. Earl is really smart, tamad lang talaga siya magaral. Mabilis kasi siyang magsawa sa mga bagay bagay, especially sa babae.
Nakarating na kami sa bahay ko at binaba niya na rin ako sa pagkakakarga.
"Okay, settled na. Just tell me kung may change of heart ka. No pressure. Thank you sa paghatid. Bye!" Pagpaalam ko sa kanya. Tumango nalang siya.
Sinalubong naman ako ni Mama sa pinto. Nagalit pa siya kahit napilayan na yung anak niya.
"Saan ka nagdive? Napano ka?!" Pasigaw na boses niya pero in a concerned way.
"Nagdive ako sa pinaka poging nilalang. Hayyy." Napalo pa nga.
"Umayos ka nga bata ka. Umupo ka muna, linisan natin yung sugat mo at lagyan ng bagong benda."
Pinaupo ako niya ako sa couch at pumunta sa kwarto niya para kunin yung first aide kit.
Si Mama, isa siyang registered Nurse. Dun na rin niya na-meet si Papa. Although, she decided na maging isang stay at home mom kasi she wants to dedicate her life as a Mom. Pero minsan, if some close family member namin or friends niya kailangan ng personal Nurse, tumutulong si Mama. Sobrang bait ni Mama kahit sobrang bungangera.
Nakabalik na rin siya at umupo sa tabi ko. Inakay niya yung paa ko sa mga hita niya para malinisan yung sugat ko sa tuhod.
"Hula ko, yung poging tinutukoy mo yung sinisilip mo kahapon sa may gate no?"
Napatili ako kasi tama siya. "Si Mama naman, enebe."
"Napakalandi netong batang to. Di ka man lang nahihiya sa mama mo." Sabi niya habang nakangiti.
Sobrang close namin ni Mama. Halos lahat ng kwento ko sa buhay alam na alam niya. Parang best friend ko na rin siya. Since laging wala si Papa dahil sa trabaho, I always keep Mama's company. Yung thought palang na aalis ako dito sa bahy para magaral ng kolehiyo, nalulungkot ako kasi walang sasama kay Mama.
"Bipolar ka ba anak? Kanina natutuwa ka palang, ngayon malungkot ka na. Anong problema?" Patuloy lang siya sa paglilinis ng sugat ko.
"Kasi Ma, may naisip na akong kurso ng college pero hindi pa ako sure."
"Anong course ba kukunin mo?"
"Hmmm. Pharmacy?" Sagot na may halong hesitation.
"Magandang kurso yun anak. More on gamot yung pagaaralan niyo dyan. Yan na ba yung gusto mo?" Natapos niya nang bendahan yung sugat ko.
"Pagiisipan ko pa po. Sabihin ko nalang kay Papa kapag final na." Sabi ko.
"Ang papa mo pala late uuwi. May operation pa siya. Ano gusto mong pagkain?" Tumayo na si Mama para magprepare.
"Can we order take outs? Parang gusto ko ng jollibee." Napangiti naman si Mama at tumango. Pareho kaming hilig anf Jollibee.
"Sige order ka na. Gagawa nalang ako ng pangdessert natin." Tumungo na siya sa kusina.
Nagscroll na ako sa Food Panda para makaorder ng pagkain namin. Sakto naman na dumating na si Ate at tumabi sakin.
"Oh. Anyari sayo?" Tanong niya nung napansin niya yung benda ko.
"Nadapa lang dyan sa tabi. Ano gusto mo pagkain? Oorder ako. Magjollibee daw tayo." Sagot ko sa kanya habang busy ako sa pagscroll.
"Isang 2pc chicken at spag lang. Tawagin mo nalang ako kapag kakain na." Sabi ni Ate Lia at tumungo na siya sa kwarto.
Si Ate Lia or Liandra, di ko alam ang nangyari sa kanya these past few years. Ang alam ko lang, she tried enrolling to Medicine pero siguro hindi niya lang talaga gusto yung path na yun. So, after graduating Med Tech, she just worked as an Author. But si Papa, called it as pagtatambay.
Ate Lia is good at writing novels. She even published 3 books already. Pero I think di gusto ni Papa yun. Kaya rin siguro malayo na yung loob ni Ate kay Papa.
Dahan dahan akong umakyat sa kwarto ko para magayos at magbihis ng pambahay. Bumaba na rin ako nung nandyan na yun inorder ko na pagkain.
Kumain na kami. Si Ate Lia nakikipag-kwentuhan lang siya kapag si Mama at ako yung kasama dito sa bahay. After namin kumain, si Ate nalang ang tumulong kay Mama sa pagligpit kasi injured ako.
Umakyat na ako sa kwarto para tapusin mga assignments. At nagresearch din ng schools na nagooffer ng Pharmacy course.
Makaraan ang mga ilang araw. I've been researching good schools that are offering courses ng Pharmacy. I even consulted our guidance counselor about them. Around mid november daw magopen ng university entrance examination at kapag napasa ko yun, I could proceed to enrolling.
Sumasabay nalang din si Earl sa mga plano ko since di niya rin alam kung anong gagawin. Di ko alam kung nababaliw na ba to or may lahing aso.
Hennie would proceed to a tourism course and Tine choose Nursing. It's sad to think na maghihiwalay na kami ng landas ng buhay towards our success, kasama ko na sila since grade school. It's been twelve years na magkakasama kami, at last na tong senior high school namin na magkakasama kami.
I'm planning na magaral sa main city for college kasi wala rin namang colleges around the area na malapit sa course na gusto ko. And also, hindi lang sa friends ko ako nalulungkot, pati na rin sa family ko. Good thing Mom would visit me often to bring me food and some things that I need. My mom's friend has a condo around Manila City that I could share with her daughter. Though we are not that close, but hopefully soon.
All other things are being prepared, I hope yung exam ko nalang ang maayos.
Going fast forward, naghihintay ako sa gate ng bahay namin para pumasok ng school pero plus heavy art materials para sa science camp day namin. Bitbit ko dalawang malaking star at sun sa magkabilang kamay. Puno na rin ang kamay ko ng glitter gawa ng decorations neto.
I also insisted na lalakarin ko nalang papuntang school yung bitbit ko kaso baka magkalat pa yung glitters sa loob ng sasakyan. Ginawa namin to ng mga officers ng Science Club sa bahay namin considering pinakamalapit lang naman. Good thing, sabi sakin ni Fiona, treasurer namin na hintayin ko nalang daw yung pinsan niya na isa ring member ng club na tutulungan ako magbitbit ng props.
Minumura ko na yung sarili ko sa dami ng glitters meron yun kamay ko. I think hindi pa ganun katuyo yung glue na nilagay namin.
"Are you Jenny?" May tumigil na bike sa harap ko at tumigil na rin mundo ko nang lumingon ako sa kanya.
Ang dala ko lang isang bituin at araw, bakit nandito na yung mundo ko?
Medyo na starstruck pa ako buti nalang napigilan ko. Um-oo ako sa kanya.
"It's you, the one I bought at the clinic last time." Um-oo ako ulit. Naalala niya ako? Bigla akong na-pipi bigla.
"The name's Jiro. Fiona said to pick you up."